Isa to sa mga favorite kong team sa NBA ngayon.. MIAMI HEAT. Hell yeah!!!!! Hahaha. Kaya ko lang naman nagustuhan dahil nandyan yung favorite basketball player ko, si LeBron James.. bukod kila JayJay Helterbrand at Mark Caguioa. hehe. Kahit nasa Cavaliers palang si LeBron non, paborito ko na sya, pati yung team na yun. Nga pala.. sorry kung di ka makakarelate sa susulat ko ngayon, wala kasi akong maisip na isulat e, isa pa malapit na magfinals sa NBA. :)
Balik tayo sa Heat.. alam ko maraming may ayaw sa kanila. Mga haters ba. Lalo na kay LeBron, ewan ko kung bakit. Ewan ko kung ano pang gusto nilang makita sa kanya.. tingin ko kasi, mataas kasi expectations sa Miami simula nung nabuo yung Big Three nila.. si Wade, Bosh, and James. Syempre, tatlong superstars yon, lahat yon nagdala ng kanya kanyang team nila nung wala pa sila sa Heat, ewan ko kung pati si Bosh. Basta magagaling silang tatlo. Ano bang iisipin ng mga tao kapag nagsama yung magagaling sa isang team? Ang unang iisipin syempre, madali silang mananalo, magcha-champion daw, pinakamalakas na team sa NBA. blah.. blah..
Muntik naman na magchampion yung Heat last season.. nasa finals sila, kalaban Dallas Mavericks. Kaso talo sila, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi first season ng heat yun, na merong big three. Syempre hindi pa ganun kataas yung team chemistry nila. Siguro na pressure din sila, lalo si LeBron, mataas kasi expectations sa kanya. Ang alam kong dahilan ng paglipat ni James sa Heat, eh sa gusto niya makasama sa team sila Wade and Bosh, isa pa, sabi niya hindi naman daw talaga scorer ang role niya sa basketball, more on passing daw siya. Hindi gaya nung nasa Cavaliers siya, kapag wala siya hirap manalo yung cavs. Simula din nung lumipat si James sa Heat, nawala na daw yung laro niya.. nung unang season ha? Parang naglalaro daw siya every night na may hate, wala na daw fun kapag naglalaro siya.. Parang lagi daw siyang galit.. kasi nga simula nung lumipat siya sa Heat, marami ng nagalit sa kanya. Di niyo masisisi yung tao, kung yun ba yung desisyon nya eh. Napanood ko lang yan sa Youtube, yung interview sa kanya.. yung iba nabasa ko ng onte sa magazines.
Ngayon nasa Eastern Conference Finals sila.. against Boston Celtics. 2-0.. Miami lamang. Hindi ko alam kung mananalo sila, magaling din kasi Boston kahit na matanda na sila Garnett, injured si Ray Allen, tapos may Rondo pa. Pero dahil idol ko si LeBron, tatalunin nya yun. Haha. Hindi siya papayag na maulit uli yung nangyare sa kanya at sa teammates niya nung last season. ewan ko nalang kapag natalo pa siya, haha. Kapag natalo na sila, ayaw ko na sa Heat, mag-chichicago nalang ako. pero favortie ko parin si LeBron, sunod si Derrick Rose. ;)
Tnatamad na ko magsulat. Haha. Bahala kayo dyan. Wala na talaga pmapasok sa isip ko simula nung nawalan ako ng inspirasyon. HAHA. Paksyet. Hahahaha. Bgay ka topic, baka makasulat ako.
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?