Chapter 22:

113 0 0
                                    

JULY 4, 2012

- Sup. Ano meron sa July 4? Haha. Dami kong nababasa sa newsfeed ko na "Happy july 4th! ", mga ganyan. Ewan ko kung ano meron, pati yung idol kong si Jenette McCurdy, merong picture na happy July 4th. 

Nagsulat ako ngayon kasi wala akong magawa. Andito padin ako sa bahay ng tito ko, baka bukas na ko umuwi kasi may church kami. :) Ehh sawang sawa na ko sa PS3, nakakasawa din magfacebook kasi wala ka namang magawa, sa twitter wala din naman. Eh atleast dito sa wattpad nakakapgsulat ako.. 

Pumunta pala kami sa park kahapon. Sa Kildonan Park. Nag-enjoy naman ako, kahit kokonti kami. Ang dami pang lamok na kakagat sayo kaya nakakainis. Ang init pa!

Namiss ko yung swimming pool. Meron kasing outdoor pool sa park, kaso ang daming tao, ang dami din chicks. ;) haha. Kapag pumupunta ako ng sasakyan, naaamoy ko yung chlorine kaya naiinggit ako sa kanila. Yung sasakyan kasi nasa tabi lang nung outdoor pool. Pero syempre, pupunta kami dun sa Friday! =)) Haha. Sigurado masaya yon. 

Hanggang ngayon wala parin akong trabaho, di na ko umaasa dun sa ginawa kong job hunting kunware. Hahaha. Bahala na. Kala ko pa naman kapag nagsummer magkakatrabaho ako, dami ko pa namang plano sa kikitain kong pera. ;)  Tska atleast meron na kong experience sa trabaho. 

Habang sinusulat ko to, lumapit yung pinsan kong maliit. Haha, sabi niya "Kuya Ton! Awesome.! you're talking to people!". Haha ang kulit nito, tapos suot ko kasi yung batch shirt ko nung 4th year ako. Tinatanong kung sino daw sila Ace Lee, si Codina, bakit daw Charlotch pangalan nung nasa likod ko. Haha. Namiss ko tuloy tropa ko sa pinas. Bakit ba kasi kelangan ko pmunta dito, haha. Pero ayos lang, mas gugustuhin ko ng tumanda dito, atleast may mararating ako kung mag-aaral ako mabuti.. mas madaling mabuhay dito, makukuha mo lahat ng gusto mo basta hindi ka mapili sa trabaho at masipag ka. 

OHHH! Alam ko na kung ano meron sa July 4! Birthday daw ng America. Ewan ko ah? Haha pero kasi nakita ko sila Beyonce at Vin Diesel maerong picture sa newsfeed ng fb ko. Kaso may nakita akong pilipino na Humahappy July 4th din eh, bat ganon? O.o

Sige na.. wala naman na kong isusulat. Isa lang gusto kong gawin ngayon, maggitara. Kaso naiwan ko naman sa bahay. <//3 Kainis! Kapag may nararamdaman kasi akong mabigat, tinutugtog ko nalang sa gitara, astig kasi nakakagaan sa pakiramdam.. Ayoko na isipin yung mga nasa utak ko, haha nakakainis lang. Iniisip ko nalang bata pa ko, isa pa. Ibibgay naman talaga sayo yan kung para sayo yan. Bye! :) 

*END

Eh sa gusto ko magsulat eh?!Where stories live. Discover now