Chapter 15: Single for life.

142 0 0
                                    

Sabi ng nanay ko, mag-aral daw muna kami. Yan naman palagi nilang sinasabi saming magkakapatid. Mag-aral muna, kapag nakatapos, tska maggirlfriend o boyfriend. Tapos tutulungan sila, kapag ayos na. Pwede na daw mag-asawa.. Ewan ko bakit ganun sinasabi nila, eh parang nung mga bata naman sila di nila nagawa yon. Hahaha. Joke. Pero tama nga naman, magtapos ka muna tapos tska mo na gawin lahat ng gusto mo kapag stable kana, nakatulong kana sa mga magulang mo o kapatid mo. Sabi pa ni papa nun sakin habang nanenermon siya, "Basta ang sakin lang, magtapos lang kayo ng pag-aaral, pag nakatapos na kayo, bahala na kayo sa buhay niyo. Wala na kong pakialam sa inyo." Hindi nawawala sa isip ko yan.. pero ewan ko kung bakit hanap ako ng hanap ng girlfriend. Parang hindi kumpleto buhay ko kapag wala ako nun. Haha. Meron naman sigurong ibang mga bata na gaya ko.. meron nga akong kilala ngayon na 13 years old lang, gusto ako i-date. Sa isip isip ko, ang bata bata pa niya, madami pa siyang makikilala. Isa pa.. mas matangkad siya sakin. 

Hindi ko alam kung anong point nitong sinusulat ko, kahit ako naguguluhan e. Haha. 

Single. Ano ba yung single? Lahat naman tayo alam yan. Walang boyfriend/girlfriend.. walang monthsary o anniversary. Walang lovelife. Merong mga advantage yan eh.. meron ding mga disadvantage. 

 Advantage:

* walang bawal bawal. Lahat pwede mong gawin, walang pipigil sayo kundi magulang mo o sarili mo.

*walang masyadong gastos. Gastos sa load, gastos sa date, regalo. Ganun. Pwera nalang kung matakaw ka kumain, may gastos kapa rin.

*walang problema? i mean, wala kang iniisip masyado. walang worries ba. walang selos. walang away away.. 

*Sa madaling salita, YOU'RE FREE. 

Disadvantage:

*minsan naiinggit ka sa ibang meron. kapag nakakakita ka ng couples, lalo na kapag sweet. Nakakainggit, pwera nalang kung masaya ka talaga sa pagiging single mo.

*walang kiss, walang hug. hahaha! yun lang.

*syempre aminin natin, malungkot padin kapag single ka. Hindi naman pwedeng tumatanda kana, wala ka paring bf/gf. Kahit gano ka kasaya sa pagiging single mo, dadating din yung araw na magsasawa ka sa buhay mo at maghahanap ka ng mapapangasawa mo. 

Sa totoo lang, wala na kong maisip!! Haha. Single ako ngayon pero ewan ko kung bakit ganito, walang idea. Siguro dahil sa hindi ako nag-eenjoy sa pagiging single ko, isa pa, hinahanap ko kasi yung magkaron ako ng girlfriend. Inspirasyon ba. 

Habang tumatagal pabaduy na ng pabaduy libro ko. Ititigil ko na to. Hahaha kalokohan nalang to. Magsusulat nalang siguro ako tungkol sa nanay ko. :P Sa susunod. 

Kung single ka ngayon.. wag ka malungkot. Kung anomang dahilan ng pagiging single mo ngayon, i-enjoy mo nalang. Kung galing ka sa breakup, magmove on kana Walng mangyayari kung magmumukmok ka dyan, magpakasaya ka, gawin mo lahat para makalimutan mo siya. Kung single ka naman dahil walang nanliligaw sayo o kagaya ko na nababasted lagi, ehhh magpaganda ka nalang. O kaya mag-aral. Bata ka pa naman, bata pa tayo. Sabi nga ng mama ko, marami pa daw ako makikita dyan. Kung may nakita kana, hindi na importante kung mas better yung ex mo, ang mahalaga, may nagmamahal sayo, masaya siya sayo, masaya ka sa kanya. Mahal niyo isa't isa. Edi good! Haha. 

Sa ngayon.. maghihintay nalang ako. Bahala na ang Diyos kung sino ibigay niya sakin.. 

*END

Eh sa gusto ko magsulat eh?!Where stories live. Discover now