[3rd's Person Pov]
"Ano may bagong love letter na naman d'yan?" Naka-ngiting sabi ng isang dalaga.
Sumimangot naman siya. "Ewan ko sa'yo." Sagot niya.
Matagal tagal na rin simula nang makatanggap si Mirana ng mga sulat sa 'kanyang locker.
At araw araw siya nakakatanggap ne'to.
Halos mapuno na ata ang kanyang lalagyan dahil sa mga sulat na binibigay nito sakanya.
Binuksan ng dalaga ang locker ni'to at hindi na siya nagulat nang may isang naka-tiklop na papel na lumapag sa 'kanyang harapan.
"Call it!" Natatawang sabi ng kanyang matalik na kaibigan. "Sabi sa'yo meron, eh. Haba ng hair, teh." Natawa naman ito.
Hindi niya pinansin ang kaibigan at pinulot ang papel.
"Oh? Anong naka-sulat." Tanong ng kaibigan.
"Hi Mirana." Basa ng dalaga.
"'Yan lang? Ang ikli." Komento ng kaibigan.
"Buti nga meron, eh." Hindi maiwasan na ngumiti ng dalaga.
Inaamin niya, kinilig siya.
Isang 'secret admirer?' Alam niyang gasgas na ang mga pangyayari na ito. Pero hindi niya inakala na mararasan niya ito sa totoong buhay.
Sa Pinas kasi sa chat nalang nagkakaaminan. Meron na ngang tinatawag na M.U ibig-sabihin Mutual Understanding.
Hindi tulad sa States kung saan nakatira si Mirana. Old school ang dating sa panliligaw.
"Asus, kinikilig!" Sabi ni Erica, ang kanyang matalik na kaibigan na kinikiliti siya sa t'yan.
"Uy, ano ba." Sabi nito habang tumatawa. Huminto naman sa pagkikiliti ang kaibigan.
Kinuha niya ng kanyang mga libro at isinarado ang kanyang locker.
Filipina siya pero may lahing amerikano.
Paano?
Kasi ang Mama niya ay pure filipina samantalang ang kanyang Papa ay amerikano.
Naisipan ng Mama niya na tumira sila sa States kasama ang kanyang Papa.
Kaya heto siya ngayon nagaaral sa States kasama ang kanyang kaibigan.
Buti nga, dumating ang si Erica sa buhay niya. Wala kasi siyang kaibigan dito at dahil hindi siya marunong mag-ingles hirap siyang makipag-kaibigan sa mga Amerikano.
"Ano kaya ang pangalan niya?" tanong ni Mirana sa kaibigan.
"Ewan? Malalaman mo rin 'yan." sabi nito.
Ngumiti naman ang dalaga.
Sana nga.
YOU ARE READING
His Name? [COMPLETED!]
RomanceWhen a girl named Mirana statred receiving love letters and free foods doon na siya nagtaka kung sino ang nagbibigay nito sa'kanya Is this her secret admirer? Will she know her secret admirer's name? "What is his name?" Asking that question to her...
![His Name? [COMPLETED!]](https://img.wattpad.com/cover/119932737-64-k127666.jpg)