Chapter 10- Rain

15 3 0
                                    

Chapter 10.

Its been thirty minutes simula nangyari ang "mga pangyayari" kanina. They remain silent. Only the drops of the rain can be heard.

Oo aaminin niya ang cliché ng pangyayari pero anong magagawa niya? Ito ang reality and the only thing she can do is to face the reality itself.

"Eto oh, kape." Sambit ng binata at inabot ang isang baso puno ng mainit na kape. Perfect fit for the weather that they're having.

"S-salamat." Sabi naman ni Mirana at uminom ng kape.

Nakatigin lang ang binata sa bintana. Ang lakas ng ulan at kitang kita na mamaya maya ay baha na sa campus.

"Mirana, gusto mo ikaw na ang mauna. Kunin mo nalang 'tong payong ko." Sabi ng binata at inabot ang payong sa dalaga.

Agad na umiling ang dalaga. "Hindi kita pwedeng iwan dito."

Napangiti naman ang lalaki sa sinabi ng dalaga. Pero umiling ito. "Wag na. Titila rin yung ulan. Mauna ka na. Baka nagaalala na yung magulang mo sa'yo." Nakangiting sabi ng binata ang inabot ulit ang payong nito sa'kanya.

"Kasalanan ko 'to, eh. Kung hindi lang ako lumabas sana wala tayo dito sa sitwasyon na'to."

Hinawakan ng binata ang ulo ng dalaga at ginulo ang buhok nito. "Ikaw talaga. Wala kang kasalanan dito. Hindi mo naman kontrolado ang panahon kaya tama na ang pagsisisi sa sarili mo."

She smiled because of his words. Inayos ng binata ang kanyang salamin at naglakad papunta sa bintana.

"Try kong tawagan ang uncle ko. Baka pwede tayong sunduin." Sambit niti sabay dial sa kanyang cellphone.

She just nodded at tinignan nalang ang lalaki. Minding his own business. Kung tinawagan niya na ang Mama't Papa niya edi sana nakauwi na siya ngayon. Pero hindi- naiwan ang bag niya sa classroom. Kung minamalas ka naman diba.

"Shit." Mura nito habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Walang signal."

Kinabahan bigla ang dalaga. What the hell? Paano sila makakaalis dito? Baka nga nagaalala na ang kanyang mga magulang.

"Mukhang wala tayong choice." Sambit ng binata ar nagbuntong hininga.

Tumango na lamang ang dalaga.

They remained quiet after that. Gustong magsalita ni Mirana pero ano naman ang sasabihin ni'to sa'kanya?

Gusto niyang malaman tungkol sa binata. Everything.

"Nagugutom ka na ba?" Pagbabasag ng katahimikan ng binata.

"M-medyo."

Sa sagot niya biglang tumayo ang binata. Kumunot naman ang noo ni Mirana.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng dalaga.
"Bibili ng pagkain." Sagot nito. "Uhm- dito ka muna, ah. Mabilis lang ako."

Tumayo na'rin ang dalaga. "Kahit wag na. Malakas ang ulan. Mababasa ka."

Tumawa naman ang binata. "Dapat nga ako ang magalala sa'yo. Wag kang magaalala di ako magtatagal." Sagot nito ang kinuha ang payong. Binuksan nito ang pinto at rinig na rinig ang lakas ng ulan.

"Mabilis lang ako pramis."

Di naman magawang pigilan ng dalaga ang binata kahit anong pigil nito lalabas at lalabas pa'rin siya para lang kay Mirana.

"Di pa naman ako gutom." Sambit ng dalaga.

"Nonsense. Wag kang magaalala. Hayaan mo ako." Ngumiti ang binata at tuluyang umalis ng classroom.

At naiwan siyang mag-isa.

His Name? [COMPLETED!]Where stories live. Discover now