Chapter 2- A Jar of Quotes

19 4 0
                                    

Chapter 2.

Hindi pa'rin maka-move on ang kaibigan sa kwento nito.

Paano ba naman kasi minu-minuto lagi itong kinikiliti. Hindi naman mapigilang mapangiti ang dalaga.

Uwian na nila at napag-desisyonan ni Erica na tumambay muna sa Starbucks.

"Ito na order mo." sambit ng kaibigan at inilapag ang kape nito sa lamesa.

"Salamat." sagot nito.

"Ah! Oo nga pala." biglang sabi ng kaibigan kaya napatigil sa pag-inom sa kape nito.

"Ano 'yun?" kunot noong tanong nito.

Inilabas ni Erica ang kanyang bag at may inilabas na garapon.

Anong meron sa garapon na 'yan? May pagkain ba 'dyan?

"Garapon?" tanong ng dalaga.

"May nagpapabigay." sagot ng kaibigan.

Siguro si Secret admirer ang nag-bigay nito.

Malamang, sino pa ba. Siya lang naman ang ma-effort sa'kanya.

"Ano ito?" tanong ng dalaga nang matanggap nito ang garapon.

Binuksan nito ang garapon para malaman kung anong nilalaman nito.

Bumungad sakanya ang isang puting papel.

Agad siyang napangiti sa nabasa niya.

"Anong sabi?" takang tanong ng kaibigan. Kaya lumapit ito sakanya.

"Hi Mirana, if you're feeling sad, happy, loved or about go give up. Pick a paper.

Red- Loved
Blue- Sad
White- Happy
Green- About to give up." basa ni Mirana.

She smiled. Nakakatuwa na may nageeffort nang ganito sakanya.

"Kuha ka!" utos naman ni Erica.

Dahil excited rin siyang tignan ang nasa loob ng garapon. Kumuha siya ng isang puting papel. Meaning happy.

"Be happy and smile."

Ngumiti ang dalaga sa nabasa. Talagang napangiti siya nito.

"Nuks naman." Komento ni Erica habang iniinom ang kape nito. "Effort talaga bessy. Alam mo nakakapagtaka ano kaya ang pangalan niya?" Tanong ng kaibigan.

Siya din ay nagtaka simula pa lang sa unang letra na ibinigay nito sakanya ng isang tao nagtaka na agad siya ano kaya ang pangalan ng 'secret admirer' niya?

"Baka babae?!" Gulat na sabi ng kaibigan.

Nagulat naman ang dalaga at hinampas ang kaibigan. "Sira! Lalaki 'to. Halata naman." Depensa nito.

Hindi naman sa ayaw niya na maging babae ang kanyang 'secret admirer' 'di lang kasi siya pumapatol sa kanyang sariling uri nito.

No offense pero straight siya.

"Sige, sabi mo eh." Sambit ni Erica at tumayo na ito. "Sya sya. Tara na maggagabi na, oh."

Tumango naman ang dalaga at tumayo na rin. "Tara."

They bid their goodbyes at naghiwalay na ang dalawa.

Yakap-yakap ng dalaga ang garapon. Naglalakad at naka-ngiti. Siguro 'pag nagtaka ang kanyang Papa at Mama kung bakit siya naka-ngit na may dalang garapon sa kanyang kamay na yakap ito siguradong magtataka ang mga ito.

Pero what the heck minsan lang siya makatanggap nito.

Binuksan niya ulit ang garapon at kumuha ng isang pulang papel.

"Every love story is beautiful. But ours is my favorite. :* -M."

"Sweet." Sabi nito sa sarili at ngumiti.

His Name? [COMPLETED!]Where stories live. Discover now