Chapter 4- Don't Look Back

21 3 0
                                        

Chapter 4.


Nagtapos na ang kanilang klase as asual may natanggap itong letter at pagkain.

Ginabi na rin siyang umuwi dahil may ginawa ito sa school kays heto siya ngayon alas syete na ng gabi siya naka-uwi.

Naglalakad sa isang madilim na kalsada.

Sobrang dilim na kalsada.

Yung tipong walang poste sa gilid. Ang weird kasi maliwanang naman ang kalye papunta sa kanila pero bakit kung kailan uuwi siya ng gabi ni-isang ilaw walang lumiwanag.

"Kaya mo'to Mirana. Araw-araw 'kang naglalakad dito. 'Wag kang matakot." Kumbinsi nito sa sarili.

Mabilis ang kutob ng puso nito. Para 'bang ilang minuto sasabog na ito sa sobrang bilis.

Binilisan nito maglakad dahil ilang minuto nalang ay puputok na talaga ang kanyang puso at mawawala na ang mga hangin dahil sa sobrang bilis nitong huminga.

Snap!

Parang tumigil ang mundo nito nang makarinig ito nang isang stick na naputol.

"Shit." Bulong nito sa sarili. Mas binilisan niya maglakad. Bakit kasi puro puno sa kanilang kalye nag-mukha tuloy isang gubat.

"Walang multo dito. Don't look back, Mirana. Don't look back." Kumbinsi nito sa sarili. Wala namang multo dito pero ang sabi sabi ay may isang puting anino ang naglalakad sa gilid sa hating gabi.

"Ba't kasi hindi nalang ako nag-bus." Oo nga, bakit hindi nalang siya mag-bus. Dahil ba nagtitipid siya? O sadyang punuan ang bus ngayon dahil rush hour.

"Tangang Mirana." Sabi nito at umiiling-iling.

And again.

Snap!

Isang stick na naman ang naputol at parang lahat ng balahibo niya ay tumaas dahil sa narinig niya.

"Shit." Mura nito. Titigin sana siya sa likod. Pero no bad idea.

Baka mamaya may makita siyang 'di nakanais nais o 'di kaya isang multo na sinusundan siya.

Pero hindi siya nakatiis at dahil makulit siyang bata tumigin siya sa likod.

Unti unti siyang lumingon sa likod habang naka-pikit ang mata. Nanginginig ang buong katawan.

Minulat nito ang isang mata. Hanggang binuksan na nito ang isa 'pang mata.

At doon sumabog ang puso niya.

Nang makita niya ang isang lalaki na naka-puti. May suot itong salamin at may dalang backpack sa likod nito.

Umakyat ang lahat ng kanyang dugo sa kanyang mukha dahil sa sobrang takot.

"H-hindi 'yan t-totoo." Kumbisi nito sa sarili at pa-ulit ulit niyang pinipikit at binubuksan ang kanyang mga mata.

Hindi niya makita ang mata dahil sa reflection nito sa salamin.

Ngumiti ito. "Hi Mirana."

"AHHH! Alam niya ang pangalan ko!!" Sigaw nito at luyuan nang tumakbo sa bahay nila.

Naka-uwi ito hingal na hingal, catching her breath.

"Hindi na ako maglalakad sa gabi." Sambit nito at naalala niya ang ngiti sa lalaking multo.

May white lady na pala na lalaki?

His Name? [COMPLETED!]Where stories live. Discover now