Chapter 9- Umbrella

15 3 0
                                        

Chapter 9.

"W-walang papel."

Halos mawarak ang puso nito. Pero bakit ba siya nalulungkot? Hindi naman sila? Wala naman siyang karapatan na magreklamo.

"Well that's new." Komento ng kaibigan at tinignan ang locker ng dalaga. "Spotless nga. Walang papel."

There was nothing in there. This never happened in her life. Baka busy lang yung tao?

Mabilis niyang isinara ang kanyang locker. At mabilis ring tumakbo sa kanyang classroom. Expecting a bag of food in her desk.

Nakarating siya pawis na pawis. Hingal na hingal. Naghahabol ng hangin.

Pero ang natanggap niya. Wala-

Walang supot sa itaas ng kanyang desk. Wala.

It made her eyes blurred and finally tears fell. Bakit? Bakit siya umiiyak? Mahal niya na ba ito?

Umalis siya ng kanilang classroom na luwaan. Bakit ba siya naapektuhan doon sa lalaking hindi niya kilala?

She ran and ran and ran. Until she stopped. Falling for her knees and she cried and cried.

And as her day was getting 'better' the rain started to pour.

Great. Her emotions are tied to the weather. What is she a goblin?

If she is a goblin where's her husband?

She stopped crying when she didn't felt the rain. Ano 'to? Biglang tumila ang ulan?

She saw a pair of shoes infront of her.

Inakyat niya ang tigin sa taas at may umbrella sa taas ng kaniyang ulo.

And then she saw him.


Glasses.


"Ba't ka nagpapaulan?" Tanong ng binata sa'kanya.

Halong halo ang nararamdaman ni Mirana. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nandito na ang kanyang kaibigan o magagalit dahil sa pag-hinto sa pagbibigay ng mga letters sakaniya.

Well it can be both.

Dahang dahan tumayo ang dalaga. Hindi makatigin sa mata ng binata.

"May extra ka bang damit? Basang basa ka. Bakit wala ka sa klase mo?"

Nang marinig niya ulit ang boses ng binata. Natuwa siya, oo inaamin niya na sa loob looban niya na natutuwa siya dahil nan'dyan pa'rin ang binata para alagaan siya.

Patuloy pa'rin ang pagbuhos ng ulan. Silang dalawa, sa iisang payong.

Medyo nababasa ang dalawa dahil sa malakas na buhos ng ulan. Tanga siya, eh. Sino bang aalis nalang bigla bigla ng walang bag o payong na dala.

Nakarating sila sa isang classroom. Walang tao dahil saturday classes lang ang gumagamit dito sa room.

"Ninlalamig ka ba?" Tanong ng binata.
Walang imik ang dalaga at kinukuskus ang kanyang dalawang palad para makakuha ng init.

Agad na tinanggal ng binata ang kanyang jacket at inilagay kay Mirana.
Walang imik ang dalawa. Tunog labg ng heater ang tanging gumagawa ng ingay sa katahimikan ng dalawa.

"Saan ka pumunta?" Nagulat ang binata sa biglang pagsalita ng dalaga.

"Uhm- bumalik ako sa Pinas may kinamusta lang. Sorry kung hindi ako nakasulat sa'yo. Sorry Mirana." Paliwanang ng binata sabay yuko.

"Akala ko- akala ko kinalimutan mo na ako." Mahinang sabi ni Mirana.

"No! I could never forget you. Never in a hundred years. Ikaw lang." Sambit nito at hinawakan ang mukha ng dalaga at hinawi ang ilang strands ng buhok nito sa harap at inilagay sa teinga.

"Mukhang magiistay muna tayo dito." Sambit ng binata habang nakatigin sa bintana. "Ang lakas ng ulan."

Nagpabuntong hininga nalang ang dalaga. Guess they are staying here for the night.

His Name? [COMPLETED!]Where stories live. Discover now