Chapter 14- Improvement

8 2 0
                                    

Chapter 14.

"Fine." She said and sighed. "Dahil gutom ako ngayon. Go sasama ako sa'yo." Ngumiti ang dalaga. "Let's eat lunch. But first, kukunin ko muna ang backpack ko. See you around, 2:30." Sambit nito at umalis.

Naiwan mag-isa ang binata at ngumiti ito. "Yes!" He said with jumping effect.
~~~

"Nag-kiss kayo!" Biglang sigaw ni Erica habang may paypay-ng-kamay kilig effect.

"Huy, ingay." Sambit ng dalaga at tinakpan nito ang bibig ng kaibigan.

"Sorry." Bulong nito. "Masama 'bang kiligin." Napasulyap naman ang dalaga sa kaibigan.

Its 2:00 and 30 minutes left for their "lunch" together.

"Di naman. Pero kailangan talaga isigaw?" Sambit nito at nag-pout.

"Sorry na." Sabi ng kaibigan at naging malungkot ang mukha nito.

Nagbuntong hininga nalang siya at hinila siya papuntang restroom.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ng kaibigan.

Sino ba naman hindi magtataka kung bigla kang hihilain ng kaibigan mo papuntang restroom. Except nalang kung pulang araw mo ngayon.

Huminga ng malalim ang dalaga at nagbuntong hininga. "Tulungan mo akong mag-ayos ng mukha." Sambit nito at tumigin sa ibaba.

Unti-unting tinignan ni Mirana ang kaibigan at kitang kita ang excitement nito sa kanyang mga mata. "You came for the right person! Make over!" Agad nitong nilabas ang kanyang bag at naglabas ng isang pouch na puno ng make-up.

Lipstick, foundation, blush-on, you name it nasa 'kanya na ang lahat.

"Hindi mo naman pinaghandaan 'to diba?" Tanong ng dalaga sabay tawa.

"Med-yo. Pero nevermind that! Let's get started!" Masiglang sabi nito at inayos ang mukha ng dalaga.

Nakalipas ang ilang minuto, todo sa make-up si Mirana. With red lips, red rose cheeks and with a white face.

Kunti nalang nagmumukha na siyang clown. But then, she looked beautiful.

"Ta-da! Ang ganda ni ate mo, girl!" She said and laughed.

"Di naman pinaghandaan 'tong lunch date namin noh?" Sambit nito at umiling iling.

"Request mo yan, diba?" Sabi niya at sabay tigin sa kanyang relo. "Hala, two twenty na! Go, go na! Sabi nito at tinulak si Mirana palabas ng restroom.

Natawa naman ang dalaga sa sinabi nito. Sinabi ni Glasses na sa park sila magkikita. Buti nalang at hindi malayo dito ang local park nila.

Nakarating ang dalaga sa park at nakita si Glasses. Naka-upo ito sa isang bench at tinitignan ang mga batang naglalaro.

Nilapitan naman ng dalaga ang binata at tumabi sa'kanya.

"Ang ganda diba?" Tanong ng binata na nakatigin sa kawalan. Tumango naman ang dalaga.

Tumigin ito sa'kanya at inayos ang kanyang salamin. "Oh, iba na yata ang mukha mo. Nice improvement." He said and laugh. 

"Kunting make-up lang yan. 'Wag kang oa." Mataray na sabi ng dalaga.

Umiling iling nalang ang binata. "Sabi mo, eh." At bigla siyang tumayo. "Tara kain tayo." Inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga.

Tinanggap naman ng dalaga ang kamat nito at tumayo na'rin. "Uhm- ano palang kakainin natin?" Tanong ng dalaga.

"Hmmm... May alam akong masarap na pagkain." Sagot ng binata at tumakbo palayo dahil hawak nito ang kamay ng dalaga, nadamay rin si Mirana at siya ay napatakbo dahil sa'kanya.

"Uy teka ang bilis mo!" Tumigil naman ang binata sa pag-takbo. Pagod na pagod ang dalawa. Catching their breath.

"Nandito na tayo." Said the boy and smiled at her.

Tinignan niya ang paligid at puno ng carts. Yung parang may festival dahil naka-palibot dito ang pagkain.

"Anong ganap dito?" Tanong ng dalaga.

"Its the park anniversary."

Napa-oh nalang ang dalaga.

"Tara, let's eat."

His Name? [COMPLETED!]Where stories live. Discover now