Chapter 5.
"May multo doon sa amin! Erica kung nakita mo lang!"
Isang oras na ang naka-lipas simula nang ikwento ng dalaga ang 'kanyang most thrilling moment niya of the year. Sana naman 'yun naman ang first at last niyang nakakatakot na moment.
"Oo na, Mirana. Nakakatakot. Kanina mo pa kwinekwento 'yan. Hindi naman totoo 'yan, eh. Guni-guni mo lang 'yan. There is no such thing."
Medyo kumalma naman si Mirana sa sinabi ng kaibigan.
Tama siya, walang ganon. Baka nga namamalik mata lang siya noong gabing 'yon. Masyado niya kasing iniisp ang bagay na hindi naman dapat iniisip ng tao.
Pero ngumiti siya at alam niya ang pangalan niya.
"P-pero ngumiti siya sakin." Nauutal na sabi nito.
"Hay nako Mirana, eto kumain ka nalang." Sambit ng kaibigan at naglagay isang kutsara ng pagkain sa plato nito.
Lunch break na nila at hindi pa'rin maka-move on si Mirana sa nangyari sa'kanya.
But who can blame her right? Normal lang matakot. Pero hindi na normal ang maka-kita ng isang multo sa isang tahimik na mapuno na lugar sa gitna nang gabi.
Nagbugtong hininga nalang ang dalaga. Kahit na ikombinsi nito ang kaibigan hindi pa'rin ito maniniwala.
Natapos silang kumain at pumunta sila sa locker para kumuha ng gamit.
Binuksan ng dalaga ang 'kanyang locker at nagtaka ito dahil imbis na malaglag ang papel. Nakatikit ito sa locker niya mismo.
"Ohh... Level-up." Komento ni Erica. Hindi niya ito pinansin at kinuha ang papel na naka-dikit.
"I think its time. I want to talk to you. I want you to finally see me. :). Mamaya sa park. 5:00 p.m. Its okay kung ayaw mong pumunta I understand. -M."
Her heart starts beating so fast parang ilang minuto nalang sasabog na. Saka, makikita niya na ang kanyang "secret admirer." Finally! Parang ilang taon ang nakaraan para lang makita ang lover niya.
"Pupunta ba ako?" Tanong ng dalaga sa kaibigan. Ngumiti naman si Erica.
"Malamang! Saka, matagal mo na 'tong hinihintay. Makikilala mo ang mala-love story mong prince charming." Sabi nito habang nakalikod at umupo pababa.
"T-tama ka. Matagal ko na rin hinihintay na makilala siya. I think its time." Sabi ng dalaga at ngumiti.
"Tama! Tara na late na tayo."
"Seryoso?!"
"Joke!" Sabi nito at tumawa ng malakas.
Buong klase lutang ang utak ni Mirana. Kasi naman excited na siya mamaya at isang oras nalang makikilala niya na ang 'kanyang "lover" at isang oras na rin siyang nakatunganga, lutang. Halos hindi niya na rin maintindihan ang tinuturo ng 'kanyang propesor.
After ng isang oras na pagmumukmok at pag-iisip. Uwian na rin nila.
"Oh balitaan mo nalang ako, ha!" Sambit ng kaibigan. "Baka mamaya kayo na pala." Kindat nito at tumawa ng malakas.
"Sira! Mauna ka nga! Aalis na rin ako." Sabi nito at inayos ang backpack.
"Sya sya, goodluck!" Sabi niti at tumawa at tuluyan nang umalis ng eskwelahan.
Ngumiti naman ang dalaga at pumunta na sa park kung saan sila magkikita ng kanyang "secret admirer."
Nakarating siya sa park at sobrang dami ng tao. Namamawis ang kanyang mga palad sa sobrang kaba.
"Mirana!" Agad siyang napatayo sa kanyang kinauupuan.
And then, nakita niya. Isang lalaki kumakaway sakanya.
Naka-ngiti.
YOU ARE READING
His Name? [COMPLETED!]
RomanceWhen a girl named Mirana statred receiving love letters and free foods doon na siya nagtaka kung sino ang nagbibigay nito sa'kanya Is this her secret admirer? Will she know her secret admirer's name? "What is his name?" Asking that question to her...
![His Name? [COMPLETED!]](https://img.wattpad.com/cover/119932737-64-k127666.jpg)