Chapter 7- Glasses

14 3 0
                                        

Chapter 7.


Hindi pa'rin mabura sa isipan ni Mirana ang nangyari.

Finally, a year after nakilala niya na rin.

Nakarating siya ng kanilang bahay hindi mabura ang ngiti. Nakakalungkot lang at hindi nito nalaman ang pangalan ng 'kanyang taga-hanga.

"Anak kumain ka na ba?" Tanong ng kanyang Ina nang maka-uwi ito.

"Opo." Sagot nito. "Aakyat na po ako."

Tumango naman ang kanyang Ina at umakyat na ang dalaga sa kanyang kwarto.

Humiga siya sa kanyang napakalambot na kama at tumitig sa kisame. Iniisip sana magkita sila bukas.

Siya kasi yung tipong walang pakialam sa mundo pero ngayon baliktad na. Baliktad na ang kanyang mundo.

~~~

"Sooo... Anong nangyari?" Tanong ni Erica habang palapit ng palapit ang kanyang mukha.

Nasa isang coffee shop sila ngayon at dahil isang oras pa bago magsimula ang kanilang klase they decided na uminom muna at magkwentuhan.

"Ayun..." Paninimula ng dalaga. "Nag-ice cream lang kami tapos nagkwentuhan about some stuff. Hindi na 'yun importante." Sambit nito habang inaalala ang nangyari kahapon.


"Nalaman mo ang pangalan niya?" Tanong ni Erica.


'Ayon nga ang nakakabanas. Buong araw mong kasama ang nagbibigay ng letters at pagkain sa'yo araw-araw pero hindi niya lang nalaman ang pangalan ng binata.

Pero kasalanan ba ng binata na hindi ito nagpakilala sa'kanya agad agad nang magkita sila? O kasalanan niya nito dahil hindi niya natanong agad dahil occupied ang kanyang utak that time.


Ang daming what if's ang dumadating sa utak niya. What if nalaman niya ang pangalan nito? Madali lang niya makakasama ang binata.

What if natanong niya agad? At least matatawag niya na ito sa eskwelahan ng pormal.


Ang tanga ko. Sambit nito sa kanyang isipan.

"Hindi ko nalaman." Sagot nito sa kaibigan.

Isang malaking face-palm ang natanggap ni Mirana kay Erica.

Sabi na, eh. Magrereact agad 'yan.

"Baket 'di mo nalaman?! Baket 'di mo natanong?!" Galit na sabi nito habang may 'hampas-sa-lamesa' effect slash hampas.


Tinignan nito ang kaibigan. Gigil na gigil ito. Para 'bang ilang minuto nalang, eh. Sasakalin nito ang matalik nitong kaibigan sa sobrang gigil.

Sino ba masisisi niya? Kasalanan niya rin na hindi ito agad na, natanong.


"Tatanongin ko na sana kaso..."


"Kaso?" Sabi ng kaibigan habang nakatigin ito ng diretso sa'kanya.


"Nagka-emergency siya kaya ayun. Naiwan ako hindi ko natanong." Sagot nito sa kaibigan.


Medyo kumalma na'rin si Erica sa sagot ng dalaga. Pero hinihimas pa niya ang kanyang ulo para 'bang sobrang sakit nito.


"Sorry na agad." Tanging sagot ng dalaga.

"Hays, sya sya." Sambit ni Erica at uminom ng kape ni'to. "Ano nalang itsura niya?"


Napatigin sa taas ang dalaga iniisip kung anong itsura ni "sercet admirer."

"O baka itsura ng admirer mo hindi mo alam?" Natatawang sabi ng kaibigan.


"Sira! Hmm... Naka-salamin siya, chinito ang mata, matangos ang ilong at pula ang labi nito."


"Isang hot nerd?"


Natawa naman ang dalawa sa sinabi ni Erica. Siguro nga nerd siya pero iba siya sa kahat ng nerd. Isang sweet nerd.


"Dapat may sc kayo."


"Sc?" Pagtataka ng dalaga.

"Secret Call. Para bang nickname mo sa'kanya."

Napa-ah nalang ang dalaga. And then ding. Alam niya na ang itatawag sa binata.


"Glasses."





His Name? [COMPLETED!]Where stories live. Discover now