Chapter 1.
"So girl, paano nga ba nagsimula 'yang love letters?" tanong ng kaibigan.
"Eh?" ang sagot naman ng dalaga.
Ayaw niya man ikwento dahil hindi niya rin alam.
Nalaman niya nalang na may isang papel na na-ipit sa kanyang locker at may nagiiwan ng pagkain sa kanyang lamesa.
"Dali naaa. Alam mo namang transferee lang ako dito. Wala pa akong kaalam alam sa past life mo." Tumawa naman ang babae at inayos ang kanyang pagkakaupo at handa nang makinig sa kanyang kwento.
"Eto na, eto na."
Dahil alam niya namang kukulitin lang ito ng kanyang kaibigan. Napagdesisyon niya nalang na ikwento ang istorya ng kanyang so called 'love story.'
~~~
Naka-upo ang dalaga at kumakain ng lunch.
Wala man siyang kaibigan alam niyang masaya ang buhay na walang panggulo sa kanya.
Sa school na ito hati hati ang mga estudyante.
May sari-sariling mundo kumbaga.
Sa kanan niya ay ang mga basketball varsity mostly mg bullies sila kaya walang planong kaibiganin ang dalaga ang isa sa kanila.
Sa kaliwa naman niya ay ang mga babaeng clown. Mga bitches, yung todo sa pagmamake-up akala mo hindi mabubuhay 'pag walang make-up sa mukha. Sila din yung tipong fame whore at yung maarte sa mga maliliit na bagay. Kala mo naman iki-na ganda nila 'yan.
Finally sa harap niya ay ang mga nerds. 'Yung tipong nagsusunog ng kilay para lang makasali sa top. Sila rin yung tao na may malaking salamin sa mukha, sila rin yung laging may hawak na libro sa kamay.
Kumagat ang dalaga sa 'kanyang pagkain pero nakita niya na lagi siyang tinitignan ng isa sa mga nerd.
Yung lalaki na parang may lahing filipino dahil sa kulay nito.
"Weirdo." Bulong nito sa sarili at hindi nalang pinansin at patuloy na kumain ng kanyang tanghalian.
Nang matapos siyang kumain agad niyang kinuha ang 'kanyang bag at umalis na.
Pumunta siya sa hallway at lumapit sa kanyang locker.
Nang binuksan niya ang locker niya laking gulat niya na may lumabas na isang pirasong papel na lumipad sakanya.
"Ano 'to?" tanong ng dalaga sa sarili.
Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung prank ba 'to o isang tunay na love letter.
Pero sino 'bang umaasa na isang babae na katulad niya-- walang kaibigan at laging snob na bibigyan ng isang love letter.
At alam niya naman na sa mga kwento o sa nobela lang nangyayari ang mga ganyang bagay o eksena.
Pinulot nito ang isang puting papel na nasa harapan niya.
"Pfft. 'Di na uso 'to." Komento ni Mirana.
Pero dahil curious siya kung ano ang nilalaman ng sulat binuksan niya pa'rin ito.
"Hi Mirana, I like you a lot." napangiti naman siya dahil sa sulat na natanggap niya.
Simula nu'n lagi niyang hinahanap kung sino ang secret admirer niya.
YOU ARE READING
His Name? [COMPLETED!]
RomanceWhen a girl named Mirana statred receiving love letters and free foods doon na siya nagtaka kung sino ang nagbibigay nito sa'kanya Is this her secret admirer? Will she know her secret admirer's name? "What is his name?" Asking that question to her...