Chapter 8.
Its been a week simula nang magkita ang dalawa.
Its kinda sad na hindi pa ulit nagkikita ang dalawa. Its been a week with letters and foods.
"Miss na kita, Glasses." Bulong nito sa sarili habang hawak hawak ang panibagong love letter sa'kanya ng kanyang admirer.
Nagbuntong hininga ulit ang dalaga. Naaalala niya na naman ang kanilang pagkita noong isang linggo.
Oh how time flies so fast.
"Pang ilang buntong hininga mo na 'yan?" Lumingon ang dalaga sa kanyang kaibigan na nakapamewang. Halatang naiirita ito sa "drama" ng dalaga.
"Ewan? Di naman binibilang ang mga buntong hininga." Pilosopong sabi nito. Mas lalong kumunot ang noo ng kaibigan.
"Aminin? Gusto mo na ba si Glasses?" Tanong ng kaibigan. Nanlaki naman ang mata ng dalaga sa tanong ni Erica.
Agad-agad magkakagusto siya sa isang taong nakita niya lang ng isang beses? May chance pero- mahirap. Gusto niya ba ito? Dahil namimiss niya na agad ang binata? O dahil gusto niya lang talaga makausap ang binata sa sobrang daming tanong sa isip nito.
Pag-ibig sobrang gulo.
"H-hindi ah!" Depensa nito. Pero sa isip ng dalaga ang dsming tanong ang pumasok. Sabay-sabay.
"Ba't parang defensive ka?" Tanong nito habang may smirk smile sa kanyang labi.
Sabi na. Pipilitin na naman siya ni Erica.
"Kasi- basta hindi. Hirap kaya umibig sa hindi mo kilala." Sambit nito at kumuha na ng gamit sa kanyang locker.
Nakita niya na naman ang garapon na puno ng Quotes.
Kumuha siya ng asul na papel na sumisimbolo na malungkot ang nararamdaman ng dalaga.
"The word 'happy' would lose its meaning if it were not balanced by sadness. Cheer up, tomorrow is a another day. :)"
Medyo gumaan naman ang damdamin ni Mirana. Tama siya. Tomorrow is a another day.
Sinarado nito ang locker at tumigin sa kanyang kaibigan na may malaking ngiti sa kanyang labi.
"Kanina ang lungkot mo ngayon abot langit ang ngiti. Creepy mo." Sabi ng kaibigan na halos tumaas na ang balahibo nito sa braso.
"Please tama na, Mirana. Ang creepy talaga mukha kang mamatay tao sa horror movies."
Bigla nalang nawala ang ngiti nito sa mukha ng dalaga. Ang kj talaga ng kaibigan nito. "Ewan ko sa'yo!"
Sabay takbo nito papunta sa classroom na may malawak na ngiti sa labi.
Sana... Sana... Makita kita ulit, Glasses.
~~~
Dumating ang kinabukasan. Gumising ang dalaga at maagang bumangon. Ewan ba sa'kanya pero feeling niya maganda ang araw niya ngayon.
Maybe because of that quote?
Or maybe its her gut 'saying its gonna be a great day get your ass up and do some fun.'
But who the hell knows, right?
"Ang aga mo naman ata anak?" Tanong ng 'kanyang Ina sa'kanya. Tumango lamang ito bilang sagot.
"Mauna na po ako!" Sigaw nito bago umalis sa ng kanilang bahay.
Naka-ngiting pumasok ng campus si Mirana. Bahala nang magmukha siyang ewan pero ramdam niya, eh. Mayroon magandang mangyayari ngayon.
"Mukhang happy tayo, ah?" Bungad na tanong ni Erica habang binubuksan ang kanyang locker.
"Medyo lang." Sagot nito at binuksan ang kanyang locker.
Pero ang nakakapagtaka.
"Walang papel."
![](https://img.wattpad.com/cover/119932737-288-k127666.jpg)
YOU ARE READING
His Name? [COMPLETED!]
RomansaWhen a girl named Mirana statred receiving love letters and free foods doon na siya nagtaka kung sino ang nagbibigay nito sa'kanya Is this her secret admirer? Will she know her secret admirer's name? "What is his name?" Asking that question to her...