Brokenhearted Playgirl
Written by InnocentPen
Chapter Twenty Two
**
Hazel's Point of View
That night, I couldn't sleep. I was thinking of how can I change people's impression on me.
Angelo Fernandez, the guy that hurt me by having me as his rebound. He made me feel so special. But when the girl he really loves entered the scene...I was ignored. He didn't ask for what I feel...whether everything was fine with me or not. He made his own choice...he thinks for himself and Raiza only and not me. Maybe he was thinking that I was a saint that he can always ask for forgiveness without sweat that's why he just disregarded me.
That lady in the cheap restaurant, I tried my best to protect her feelings from my parents' natural attitude. But eventually she insulted me. I don't know what world has done to them.
Patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng kung anong mga bagay na nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung bakit pinoproblema ko ang mga ito. Pwede ko namang hayaan na lang sila. Pero siguro ayaw ko lang na masaktan ulit kaya kailangan ko maayos ang mga issues ko sa sarili.
Kung hindi kumatok si mama noong umagang iyon ay hindi ko malalaman ang oras. Ilang minuto na lang ay mahuhuli na ako sa klase kaya nagmadali akong pumasok sa banyo upang maligo. Hindi na ako nakakain ng breakfast kaya pinabaunan na lang ako ni mama ng sandwich.
I was thankful because she did not ask about Gelo. Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba sa kanila na ginamit lang niya ako. Ayaw ko namang may gawing hindi dapat si papa. Ayaw na ayaw ko ang may masaktan ng dahil lang sa akin kahit na ang mga taong nanakit sa akin.
"Take care, baby," she said then she kissed me. Wala si dad kasi lagi siyang maaga kung umalis.
Pagkalabas ko ay nakahanda na yung sasakyan. Pagkalabas nung sasakyan sa gate namin ay may nakita akong sasakyan na kakaalis lang. Kilalang-kilala ko ang sasakyan ma iyon. Iyon ang gamit ni Gelo sa paghahatid at pagsusundo sa akin dati.
Napaisip ako kung bakit dumaan ang sasakyan niya sa bahay namin. Magkaiba kami ng village at sa pagkakaalam ko ay sa ibang village din si Raiza. May kung ano akong naramdama. Hindi kaya ako talaga ang sinadya na rito? Pero bakit?
Itinigil ni manong ang sasakyan sa pinakaharap ng gate kung nasaan nakaipon ang mga estudyanteng tulad ko na late. This is my first time dahil lagi naman akong maaga sa school.
Pinagtitinginan nila ang sasakyan kaya hindi ko alam kung lalabas na ba ako o ano. Ayaw na ayaw ko kasi ng atensyon.
"Ma'am, labas na ho kayo," nakangiting sabi ni manong. Napailing naman ako sa kanya.
"Pero manong, nakakahiya."
"Ay, ma'am. Lalo kayong malelate n'yan," pagkukumbinsi ni manong.
"Pwede ho bang ipark niyo na lang sa ibang lugar?" tanong ko.
Tumawa ng bahagya si manong pagkatapos ay umiling. Napabuntong hininga naman ako. Alam ko kasing hindi pwede dahil maraming mga nakaparada. Ito ay marahil ang mga sasakyan ng mga estudyanteng nalate. Nasa loob kasi ang parking lot ng school.
Kinuha ko na ang bag ko at nagdesisyong bumaba na nang nakita kong naglalakad papunta sa pila ng mga latecomers sina Raiza at Gelo.
Naagaw nila ang atensyon ng mga tao kaya nawala ang mga matang kaninang nakatingin sa sasakyan namin. Pero kahit na ganoon ay hindi ko magawang lumabas.