A/N: Sorry po sa four months na hindi pag-update. :))
Seven||SABP
Hazel’s POV
“Hazel….may pag-asa ba ako kung liligawan kita? Can I court you?”
Tama ba yung narinig ko? Oh baka nagmumuni-muni lang ako?
“L-ligaw?”
“Oo, pwede ba?”
“Ah…k-kasi.”
“Kasi…?”
“Baka kasi ayaw nina mama?”
“Iyon ba ang iniisip mo? Approved na ako sakanya at sa papa mo.” Hindi ako makapagsalita, wala na kasi akong excuse. Sobrang kinikilig na rin kasi ako.
“Ahmm..—“
“WAAAAAAH! KUUYYAAAA!” Napatingin kaming pareho kay Braiden, “Bakit mo inaagaw si Ate Love sa akin? Don’t you know that I’m her boyfriend?”
“Really? Well, don’t you know that I’m her husband? So she’s breaking up with you.” Mayabang na sagot ni Gelo sa kapatid niya.
“WAAAAH! Huhuhuhu! Why do you keep on hurting my feelings, Kuya? Huhu.” Oh, Braiden, why so cute?
“Because…hmm…I’m your Kuya?”
Sira-ulo at napakagwapong magkapatid.
Napapangiti na lang ako habang nakatingin sakanila. Haaay. Gelo,Braiden. Ang gulo gulo niyo.
--
“Class, may ililipat silang student na galing sa ibang section dito sa section niyo. Don’t worry mabait siya.” Pagkatapos sabihin ng adviser namin yon.
Kanya kanyang bulungan naman ang naganap, hinuhulaan nila kung sino yung bago naming kaklase.
“Mr. Munoz, magpakilala ka na.” Napatingin ako sa harapan para tignan kung sino ang bagong kaklasi namin.
“H-Hi guys, I’m Justin Munoz, from section B. Sana maging close tayong lahat.” Nagbulungan na naman ang mga classmates namin. Hindi ko sila masisisi, may pagka-nerd kasi itong si Justin. Naalala ko tuloy nung nagpakilala ako, nahihiya din ako noon kasi halos pinagbubulungan nila ako.
“Mr. Munoz, sit beside her.” Then tinuro ako ni Ma’am. Dun nga umupo si Justin.
“Hi.” Pagbati niya sa kin. Ngumiti naman ako sakanya bago mag-hello.
“Bakit parang ayaw nila sa akin?” Pabulong na tanong ni Justin sa akin. Pansin ko din nga.
“Hayaan mo na lang ang mga yan, ganyan lang talaga sila kapag may transferee, naranasan ko na din yan. Mababait ang mga iyan, wag kang mag-alala. Ako nga pala si Hazel, Hazel Romero.” Pagpapakilala ko sa sarili ko at saka ako nakipag-shake hands sakanya.
“Ang bait mo naman pala, sana maging kaibigan tayo.” Kapag titingnan mo si Justin parang siya yung mga napapanuod sa TV na laging inaaway, binubully.
Matagal kaming nag-usap ni Justin, nag-eenjoy ako kapag kausap ko siya makwento kasi siya. Hindi na nga ako nakikinig sa discussion eh.
“Zel, may lalaking nakatingin sa atin mukhang galit.” Napatingin naman ako sa tinuro ni Justin. Nakatingin nga sa amin si Gelo.
Wag mong sabihing nagseselos na naman siya?
“Kaibigan ko yan, hindi yang alit. Hahaha ganyan lang talaga ‘yan.” Napa-aaahhh naman si Justin dahil sa sinabi ko.
“Tol, pwede bang palit tayo ng pwesto?” Narinig kong sabi ni Gelo kay Justin. Napatingin naman sa akin si Justin non. Binigyan niya ako ng tingin na ‘Pwede-Ba-Look’. Nag-smile na lang ako sakanya.
“Sige T-tol,” Sagot nito at saka na niya kinuha ang notebook niya at umupo sa pwesto ni Gelo. Umupo na rin si Gelo sa tabi ko.
“Mukhang nag-eenjoy ka habang kausap mo yung si Justin ha?” Ayan na naman po mukhang nagseselos na naman siya. =__=
“Ooo, nakaka-enjoy kasi siyang kausap. Maraming kwento.”
“Nakaka-turn off kaya sa lalaki ang madaldal, nagmumukhang bakla.” Sabi niya at saka siya sumimangot.
“Hoy, ang sama mo naman. Hindi rin ah, minsan mas naeenjoy lang talaga ng ibang babae yung mga lalaking madaldal.” Sagot ko sakanya.
“Edi parang pinagtatanggol mo pa siya? Ang sakit naman.” Kung kanina naka-simangot siya ngayon naman naka-pout na naman siya.
“Nagseselos ka na naman?” Tanong ko dito. Pansin ko lang, lagi siyang nagseselos.
“Hindi ko maiwasang magselos, iba kasi ang tawa mo sa baklang yon. Nakakatampo lang.” Napa-face palm naman ako. Haynakoo.
“Wala yun, kinakausap ko siya para wag siyang mailang. Hindi ko siya type, kakilala mo naman kung sino ang gusto ko diba? At saka nililigawan mo pa lang ako, nagseselos ka na agad.” Bulong ko sakanya, kinurot ko ang pisngi niya, “Iwasan mo yan, ayaw ng mga babae ang madaling magselos na lalaki.”
“Opo.” Naupo siya ng maayos, “Kailan mo kasi ako sasagutin?”
“Pinapaalala ko po sa’yo na kakasimula mo pa lang kanina. Sumusuko ka na agad?” Pang-aasar ko sakanya.
“Hindi ako susuko. Hinding hindi.” Kinindatan niya ako, “Alam ko namang may pagnanasa ka din sa akin eh.”
“Tss. Kapal mo.” Naiiling ako habang tumatawa.
“Tonight, 7 pm sa condo ko tayo ha?” Pagkasabi niyang iyon, binatukan ko siya ng mahina. Kasi naman eh.. ^\\\\^
“Tatamaan ka talaga sa akin kapag ginawa mo yon.” >_<
“Hahaha! Joke lang naman, mamayang 7 pm sa plaza, okay?” Anong gagawin naman namin sa plaza? Magde-date? Sanaaa. XD
“Magpapaalam muna ako ki---“
“Alam na nila, nakapag-paalam na ako kanina.” Then kumindat na naman siya.
Masyado na akong napapakilig ng poging toh, ano na naman kayang binabalak niya? Naeexcite ako.