Forty One||BP

21.1K 386 21
                                    

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Forty One

**

Hazel's Point of View

After all the picture taking, I went to my parents who were obviously proud of me. Mom, holding her iphone, took a photo of us then with dad. I hugged them both.

"Thank you for the support," I said. They responded by kissing me on both of my cheeks.

"Tell your friends that we will have a small victory party," said Dad.

Natuwa ako sa sinabi ni daddy kaya mabilis kong nilapitan si Lander na kasama sina Neri, Justin at Gelo.

"Magdinner daw tayo," masayang bati ko sa kanila. Pumalakpak naman si Lander.

"I love that!" sabi pa niya. Sobrang saya ni Lander ngayon kaya nahahawa kaming lahat.

Lumapit si Neri sa akin pagkatapos ay niyakap ako, "Congrats, Zel!"

Napalunok ako pagkatapos ay napatingin kay Gelo na nakatingin sa akin.

"Stop, Neri," sabi niya pagkatapos ay tumingin ulit sa akin, "Can I join you?"

Of course, I wanted to say but it didn't come out.

"Of course! Tawang tawa ako kanina kung makasigaw ka parang isa ka sa mga kampon ko," natatawang sabi ni Lander.

"I'm not one of your kind," sabi ni Gelo habang pinauulan ng masasamang tingin si Lander.

Nanahimik si Lander pero kitang kita pa rin ang mapanuksong ngiti nito.

Pumagitna na ako sa kanila pagkatapos ay humarap kay Gelo.

"You are sick."

"I'm not," sagot nito.

"But you have to go. You need rest."

"You won Best in Talent," he said.

"Yes, and thanks to you," sabi ko then I rolled my eyes.

"Then I deserve to come."

"Edi pumunta ka."

Iyon na lang ang sinabi ko pagkatapos ay tinalikuran na siya, sumunod naman sila sa akin.

Pinuntahan na namin ang mga parents ko pagkatapos ay sabay sabay ng pumunta dun sa parking.

Humiwalay sina Gelo dahil nasa kabilang parking lot daw yung sasakyan niya, kasama niya sina Neri at Justin.

Mag-isa naman si Lander sa sasakyan niya.

Nakasakay ako sa sasakyan nina papa. At nang dumaan na kami sa main gate ay nandun na sina Gelo.

Binuksan ni papa ang window niya at kinausap si Gelo.

"Just follow me," sabi ni papa. Tumango naman si Gelo.

Akala ko all this time alam nina papa na sinaktan ako ni Gelo. Maybe they knew, but I doubt it. Kung makipag-usap kasi sila kay Gelo ay parang walang nangyari. Lahat ay nakamove on na ako na lang ang hindi.

Inalis ko na ang korona sa ulo ko. Hanggang ngayon ay naka-long gown pa rin ako. Sabi kasi ni mama na h'wag na akong magbihis.

Narinig kong may tinawagan si mama at mukhang nagpareserve na ng seats sa isang restaurant.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon