Fifty||BP

18.3K 355 29
                                    

A/N: Please play the song entitled "The Past". Link: https://www.youtube.com/watch?v=KLFBkxpr1Dk

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Fifty

Forever and Always.

**

Hazel's Point of View

Tinupad ni Gelo ang sinabi niya, hindi nga niya ako iniwan. Lagi itong nasa tabi ko at ginagawa ang lahat para gumaan ang pakiramdam ko.

It has been a week since my mom left the world. Mahirap but we need to move on. But I don't think dad will get over it. Lagi ko siyang nakikitang umiyak kahit na lagi naman niyang pinipigilan. Kaya gusto ko munang magstay dito at binabalak kong dito na lang talaga ako tumira. My dad needed me so much.

"Hello po, Manang Elsa. Anong oras po nakauwi si Gelo kagabi?" tanong ko nang makababa na ako.

Nandito kasi si Gelo kagabi, siya ang nagpatulog sa akin. Kahit na araw araw siya dito ay hindi pa rin talaga namin napag-uusapan ang mga nangyari noong bata pa kami.

"Hindi na muna siya pinauwi ng papa  mo kagabi. Halos sabay silang umalis ng papa mo," sabi nito habang inaayos ang almusal sa mesa. Hindi na namin siya mapigilan sa ginagawa nito dahil kagustuhan rin niyang gawin at ang sabi niya ay para daw maalala niya si mama.

Umupo na ako sa mesa, "Manang, kain na po."

Umupo na rin ito sa mesa pero hindi nito ginagalaw ang pagkain, nakatingin lang ito sa akin.

"Bakit po?" I bit my lip. Ayaw ko munang umiyak.

"Ang tagal tagal mong nawala, anak. Masaya ako at nakabalik ka na," sabi ni Manang Elsa.

I broke down. Lumapit ako sa matanda at niyakap ito, "Sorry po. Hindi na po mauulit iyon, Manang."

Niyakap rin ako ni Manang Elsa at bahagya pang tinatapik ang likod ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko at nakangiting tumingin si Manang bago ipagpagpatuloy ang pagkain ko.

"Gusto mo bang ipagpatuloy ko ang kwento namin?" Nung una ay hindi ko siya maintindihan pero nang maalala ko ang kinwento nito dati tungkol sa dating kasintahan ay malugod akong tumango.

"Nang pumunta ako sa bahay nila pagkatapos ng maraming taon...nakita ko itong tulala. Ang sabi ng mama niya noon ay lagi daw niya akong hinahanap hanggang sa isang araa nakita na lang ito na tila nasa isang malalim na pag-iisip. Pero nagtagal iyon. Hindi na ito makakain at hindi na rin makaligo. Minsan lang daa itong magsalita at iyon ay kapag nakakakita ito ng babaeng kahawig ko."

"Nilapitan ko siya noon at naiyak ako nang tumingala ito sa akin at sinalubong ako ng yakap. Siya ang dahilan kung bakit pa ako nagtagal sa probinsiya namin pero siya...hindi ito nagtagal. Namatay ito pagkatapos ng ilang buwan na magkasama kami."

Hinawakan ko ang kamay ni Manang pero ngumiti lang ito sa akin.

"Kahit na sabihing nagkasama kaming muli, pero sobrang huli na. Iniisip ko noon na kung matagal na akong bumalik doon ay baka hindi na ito nagkasakit pero kailangan ako ng pamilya ko kaya lumayo ako," tiningnan nito ang kamay namin at ipinatong pa nito ang isa pa niyang kamay.

"May pagkakataon pa, anak. H'wag niyo sanang sayangin. Bilib ako sa batang iyan, halos bawat linggo ay pumupunta siya dito. Lalo na ng nagkasakit ang mama mo. Naging matalik na kaibigan pa siya ng mga magulang mo, anak. Bihira lang sa mga lalaki iyan kaya sana'y huwag niyo nang pakawalan ang isa't isa."

Muli na naman akong naiyak. Wala na ba akong kayang gawin kundi umiyak?

Binilisan ko ang pagkain ko at masayang nagpasalamat kay Manang. Mabilis akong nag-ayos para sa pagpunta ko kay Gelo.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon