Fifteen||BP

28.1K 390 14
                                    

Chapter Fifteen

Hazel’s Point of View

“Last practice na!!!”

Nagpwesto ako doon sa harapan.  Nakatayo na kasi doon si Gelo. 

Twelve pairs kami sa klase, kaya kailangan talaga ng todo practice para maging neat yung performance namin mamaya. Ilang oras na lang kasi ay magsisimula na ang program namin, kung saan kami sasayaw.

Pagka-play ng music. Naghanda na kaming lahat. Kitang kita sa amin ang kagustuhang maging maganda ang sayaw namin, lalo na ngayon kasi nandito ang adviser namin. Papanuorin daw niya kaming mag-practice.

Hindi na kami nagkaka-ilangan ni Gelo. Ilang beses na rin kasi kaming nag-practice kaya nawala na rin yung pagka-ilang namin kapag magkadikit kami. Bakit ba kasi ito ang pinili nilang isayaw.

Pagkakuha ni Gelo dun sa briefcase na isang props para sa sayaw. Nag-act naman ako na parang nasasaktan. Ang ending, iiwanan ako ni Gelo habang hawak nito ang briefcase niya.

Pumalakpak si ma’am, “Guys, I would like to see that later. Ganyan din dapat kataas ang energy ha? Good job, everyone!”

Nakangiti naman kaming lahat. Lalo na tong katabi ko, he’s smiling broadly. He is so proud of what he did.

“Congrats, babe.” I told him.

“Para saan?” Tanong ni Gelo pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

“Sa performance na ‘to.” Sabi ko sakanya. Humalik naman siya sa akin sa pisngi at saka nagpasalamat.

Kinuha ko na yung bag ko para makaalis na kami sa room. Kailangan pa kasi naming magbihis para mamaya.

“Date muna tayo babe matagal tagal pa naman bago magsimula yung program.” Pagyayaya sa akin ni Gelo. Sasagot na sana ako kaso biga namang dumating si Neri.

“Anong date date? Magbu-beauty rest ang mga girls! Shooo! Iwan mo muna girlfriend mo!” Pagkatapos ay hinila na ako ni Neri palabas.

“San tayo pupunta?” Tanong ko nung nakasakay na kami sa kotse nila. Ngumiti lang sa akin si Neri.

“Manong, sa mall po ta’yo.”

**

Pagkarating namin sa mall, hinala agad ako ni Neri sa mga boutiques. Siguro magpapasama itong bumili ng damit niya para sa sayaw mamaya.

Pinapanuod ko lang si Neri habang tingin siya nang tingin sa mga damit. Ang dami na nga niyang hawak.

“Oh, Hazel, isukat mo na.” Ha?

“Meron na akong damit para mamaya.”

“Wala akong tiwala sa taste mo. Center of attraction si Gelo mamaya kaya dapat ganun ka rin.” Sabi ni Neri habang hinihila niya ako papasok sa fitting room.

“Kapag nasukat mo na yung isa, pakita mo sa kin ha?” Tapos ibinigay niya yung mga damit sa akin bago niya ako iwan doon.

Sinukat ko naman yung isa. Lumabas pa rin ako kahit hindi ako masyadong kumportable sa suot ko.

“Ma’am, lumabas na po siya.” Sabi nung saleslady kay Neri na nagbabasa ng magazine.

Tiningnan ako ni Neri sabay sabing, “Next.”

Inalalayan naman ako nung saleslady napumasok ulit sa fitting room tapos inabot sa akin yung susunod na damit na gagamitin ko.

Nung sinuot ko siya, okay lang, kasya naman sa akin. Wala bang simpleng tshirt at pants dito? Lumabas na ako pagkatapos ko siyang sinuot.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon