Brokenhearted Playgirl
Written by InnocentPen
Chapter Thirty Three
**
Hazel's Point of View
Napatakip ako ng mga tenga ko nang lumapit sa amin si Lander habang tumitili. Seriously, you don't want to hear him.
"Baklaaaa! Kalat na kalat na agad na sasali ka!" umupo ito sa harapan tabi ko habang may kinakalkal sa bag.
"And guess what? They agreed na ikaw na ang next na makakasungkit ng korona. Just oh bloody mary!" sabi nito habang winawagayway ang hawak na tape measure.
Tumayo ito at itinayo ako. "Sukatan na kita!"
I stared at him and disbelief is all over my face. Seriously? Susukatan niya ako sa canteen?
"Mahiya ka, Lander. Sasabay na lang ako sayo pauwi then drive me home," kumindat pa ako sa kanya and he acted like he's gonna puke.
"Eeeew!" inarapan niya ako pero ibinalik rin niya ang tingin niya sa akin, "Kumusta?"
Napakunot naman ang ulo ko.
"I...I mean, nakausap mo na ba 'yung si ano?"
"Wala akong balak na kausapin siya," sabi ko sa malamig na boses.
Humalukipkip ito habang tinitingnan ako, nagsusungit na naman ito.
"What? Why don't you hear him out?" naiiritang tanong nito sa akin.
"For what? Just to insult me, again?" Hindi ko na naiwasang magsungit.
"No! He's sorry--"
"I believe that's not your role," sabi ni Nero kay Lander kaya napahinto.
Lumiit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Something is weird.
"May hindi ba ako alam?" I asked them.
Malungkot akong tiningnan ni Neri, "Oo, marami."
Nakaramdaman ako ng panlalambot kaso I tried not to think about it. Alam ko kung sino ang tinutukoy nila pero ayaw ko na lang makipag-usap sa stranger na iyon.
"Okay."
Alam kong sobrang sama ng sagot ko kay Neri. Pero masisisi ba nila ako kung ayaw ko na talagang masaktan pa niya ako?
"Hintayin na lang kita sa parking lot mamaya ha?" baling ko kay Lander. Tumango rin ito at ngumiti pero nahalata ko pa rin ang pagsisisi sa mukha nito.
"Una na ako sa inyo." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Agad agad akong umalis sa lugar na iyon.
May ilang minuto pa bago magstart ang afternoon classes kaya tumambay muna ako sa garden. Wala kasing tao dito dahil mainit pero may bench table naman doon na nakasilong sa isang malaking puno at doon ako madalas umupo.
Umupo ako doon sa favorite spot ko at nag-isip isip ng mga walang kwentang bagay. I imagined the pain I am going to feel kung kakausapin ko si Gelo. Ugh, I'm being insane.
Nakayuko lang ako doon at naghihintay na magbell. Kalahating oras pa kaya naisipan kong umidlip muna.
I plugged my earphones at nagbakasakaling makaidlip.