Brokenhearted Playgirl
Written by InnocentPen
Chapter Thirty Seven
**
Hazel's Point of View
Napagdesisyunan namin na mamaya na lang i-practice 'yung pinapadagdag na scene ni Ma'am. Mas madali kasi kung uunahan namin 'yung totoong sayaw. Sinubukan naming ipractice ulit with music kaso kapag nasa part na kami na didikit ang mukha ko sa likuran niya ay bigla akong humihinto. Mas hindi pala kumportable kung kaming dalawa lang sa loob ng AVR.
"Hmm, siguro h'wag na muna tayong mag-music?" sabi ni Gelo pero patanong na parang ikonokonsidera niya ang gusto ko kaya tumango na lang ako.
Pinatay naman ni Gelo ang music pagkatapos ay tumayo malapit sa akin.
"First position muna tayo," sabi niya. Kaya pumwesto na ako sa likuran niya.
Sinayaw namin 'yung steps ng sabay hanggang sa dumating iyong part na kukunin ko 'yung wrist niya at ilalapit namin ang mukha namin sa isa't isa. Nagagawa kong hawakan ang wrist niya kaso hindi ko magawang ilapit ang mukha ko sa kanya.
"Ilapit mo ang mukha mo sa akin, Zel, at titigan mo mga mata ko," sabi niya. Nakatingin lang ako sa side habang hawak ko pa rin ang kamay niya at habang nararamdaman ko ang titig niya sa akin.
"You must avoid eye contacts."
Ewan ko ba pero bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Joshua. Para bang ayaw kong tignan sa mga mata si Gelo dahil sa mga sinabi niya?
"I...can't," I told him. Naramdaman ko ang pagbigat ng kamay niya kaya napabitaw ako. Nang makasiguro akong lumayo siya sa akin ay doon ko pa lang siya tinignan.
Hindi na siya nakatigin sa akin, nakatingin na ito sa sahig. Kaya sinamantala ko iyon para matingnan ang mga mata niya. Ayan na naman siya, mukha na naman siyang nasasaktan.
"Pero, 'Zel..." huminga muna itong malalim bago magpatuloy sa sasabihin niya. "Bukas na 'to, kahit hanggang bukas lang..."
"What?" tanong ko sa kanya nang huminto ito na parang pinag-iisipan pa kung itutuloy 'yung sasabihin niya o hindi.
"K-kahit hanggang bukas lang...magpanggap ka na...napatawad mo na ako."
Naiirita ako kapag nakikita ko ang nasasaktang mukha niya, yes, he's only pretending. Pero ayaw ko pa ring makita 'yon, o mas madaling sabihin na ayaw ko talagang makita ang pagmumukha niya.
"I'm not like you, Gelo. I can't pretend," sabi ko sa kanya. Ngumiti ito ng mapait pero hindi pa rin niya inaalis ang mga titig niya sa akin.
"If you don't want to pretend, then just forgive me." I can see tha he's desperate.
"No," I glared at him. "Never."
Natulala siya sa sinabi ko. Ilang ulit ko na ba sinabi sa kanya ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala?
Umiiling na tinalikuran ko siya. Ayaw ko na rito. Gusto ko ng umalis. I don't even care kung wala akong talent bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/1644217-288-k408558.jpg)