Brokenhearted Playgirl
Written by InnocentPen
Chapter Forty Five
**
Neri's Point of View
Busy ako sa pagcocompile ng mga powerpoint mula sa mga teachers namin nang biglang may tumawag. March na kaya puspusan na ang pag-aaral namin sa nalalapit na final exam.
"Hello?" bati ko nang hindi tinitingnan ang name ng caller. Malalaman ko rin naman.
"Neri, iuwi mo na si Gelo," narinig ko ang boses ni Justin. Kung iba siguro ang sinabi ay baka kikiligin pa ako pero sa sitwasyong ganito hindi ko magawang kiligin.
Inis kong binitawan ang mouse at tumayo sa kinauupuan ko.
"Nasa'n kayo?" tanong ko.
"Magic garden."
Iyon lang ang sinabi niya bago niya patayin ang tawag. Napakabastos talaga nitong Justin na ito.
Pumunta ako kay papa para magpaalam pagkatapos ay pumasok ako sa bahay nila Gelo na katapat lang ng bahay namin.
"Si Gelo na naman ba?" agad na tanong ni Tita Victoria. Naabutan ko silang nag-aayos na ng garden para sa gaganaping birthday party ng pinsan kong si Braiden bukas.
Tumango na lang ako at umiling naman si Tita. Alam kong nasasaktan rin siya para sa anak niya.
Agad na pinatawag ni tita ang family driver nila para sunduin namin si Gelo sa Magic Garden.
Habang nasa biyahe kami ay nakikipagkwentuhan ako kay manong. Bata pa lang kami siya na kasi ang driver nila Gelo kaya kakilala na namin siya.
"Hindi naging ganyan si Angelo noong nakipaghiwalay sa kanya si Ma'am Raina," sabi ng matanda.
"Raiza po," pagtatama ko naman.
"Ah, oo pala. Natatandaan ko pa noon na parang normal lang sa kanya. Hindi ko siya nakitang magmukmok nang ganyan."
Tumango ako kay manong. Tama ito, hindi naging ganito kalala si Gelo noon kay Raiza. Ngayon lang.
"Hindi ko kilala si Ma'am Hazel, minsan ko pa lang siya nakita nung panahon na hinatid ko sila ni Braiden sa parke, mukhang mabait naman siyang bata at parang gustong gusto niya si Angelo...kaya hindi ko alam kung anong nangyari bakit nagkaganyan ngayon ang sitwasyon nila," sabi ni manong.
Hindi ako umimik. Alam ko ang mga nangyayari pero ayaw ko namang ipagkalat.
"Ganyan ho siguro talaga," sabi ko na lang.
Pagkarating namin sa Magic Garden ay nakita ko agad sina Justin na nasa entrance na ng nasabing restaurant.
Pinipigilan nina Justin at ng isang security guard na pumasok si Gelo sa loob.
"Sir, hindi ho pwede. May ginaganap na event sa loob," paliwanag ng security guard.
"No! Hazel will be there!" pagpupumilit naman ng loko lokong pinsan ko.
Napakamot na lang ng ulo ang guard pagkatapos ay pumasok na sa loob at sinarado ang glass door.
Lumapit naman doon si Gelo at kumatok. Nakatayo lang doon si Justin mukhang sumusuko na kay Gelo.
"Gelo." tawag ko sa kanya. Agad naman itong lumingon at umaasang ako si Hazel.
"Hazel?" pero nung nakita niya ako ay bumalik na naman ang atensyon niya sa glass door at nambulabog na naman sa loob.
"Gelo, stop that. Ginugulo mo ang mga tao sa loob,"suway ni Justin na gwapong guwapo sa suot nitong tuxedo.
Sinenyasan ni Justin si manong at hinila na nito si Gelo sa sasakyan. Nagpumiglas si Gelo at dahil sa matanda na si manong ay nakawala si Gelo sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1644217-288-k408558.jpg)