Brokenhearted Playgirl
Written by InnocentPen
Chapter Twenty Four
**
Patapos na kaming kumain nang may biglang dumating at sinabing pinapatawag daw si Neri sa Faculty room. Agad namang pumunta doon si Neri. Isa iyon sa mga hinahangaan ko kay Neri, ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa mga pinapagawa sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Lander. Kinuha nito ang number ko para daw alam niya kung saan ako macocontact.
May ilang minuto pa ang natitira bago magsimula ang next class kaya nag-cr muna ako. Pagkatapos kong maghilamos ng mukha ay kinapa ko ang panyo ko sa bulsa kaso wala doon.
"You can use mine, Hazel."
Tumingalo ako at nakita ko si Raiza na inaabot nito ang face towel niya.
Nakangiti ito sa akin na para bang wala issue na nangyayari. Ngumiti ito na parang wala itong problema.
"Salamat," sabi ko at tinanggap yung panyo.
Habang pinupunasam ko ang mukha ko ay nakita ko siyang naghihilamos ng mukha. Nang matapos siya ay nakangiti nitng kinuha ang face towel niya sa akin at ginamit iyon.
Namangha ako dahil wala itong kaartehan sa kanyang katawan.
"Salamat. Una na 'ko."
Lalabas na sana ako kaso bigla itong nagsalita.
"Dis he hurt you?"
Napahinto ako sa narinig. Bakit siya nagtatanong ng ganyan?
"What do you mean?" I asked.
"Kasalanan ko ba?" tanong niya ulit sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napaka-expressive ng mga mata niya kaya kahit anong expression niya ay agad mahahalata.
"A-anong sinasabi mo, Raiza?" naguguluhang tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang may tumulong luha sa mga mata nito.
"R-Raiza..." lumapit ako sa kanya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Sorry. Hindi ko alam," sabi nito kaya lalo akong naguluhan.
"Alam mo, Raiza."
Napakalas ako sa yakap niya at tiningnan ang bagong dati. Si Neri na galit na galit na nakatingin kay Raiza.
"Nakita kita nung Intrams. I could see your jealousy whenever you see them together," dagdag ni Neri.
"Anong sinasabi mo, Neri?" tanong ko. Iyong pakiramdam na ikaw ang pinag-uusapan pero hindi mo alam kung anong pinag-uusapan nila.
Tipid na ngumiti sa akin si Neri, "Hazel, masyado kang mabait para hayaan lahat ng mga napapansin mo. Kaya sa bandang huli ikaw ang kinakawawa."
When I realized what she's saying, bigla akong nanghina dahil tama ito.
"At ikaw, Raiza! Masyado ka ring mabait para hindi pansinin ang nararamdaman mo para lang hindi masaktan ang ibang tao. Sobra sobra ka kung ma-in love," naiiling na sabi ni Neri.
Umiiyak pa rin si Raiza habang ako ay nanatiling tahimik.
"Alam niyo ba. Hindi ko alam kung anong nakita niyo dun sa Gelong iyon. Wala akong pakialam kung pinsan ko man siya. But he's too much," sabi nito tapos ay huminga ng malalim na para bang kinakalma ang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/1644217-288-k408558.jpg)