Thank you po sa 1K reads!
Kung nainip kayo, sorry po. And sorry din po kung may maling words, di ko pa na-edit eh. BUSY.
Dedicated kay MicahBeh! Hi! :")
-Joycei!
Two||BP
Hazel’s Point of View
Spell NGANGA…A-K-O!
Nanaginip ba ako? O baka binabangungot?
Bakit…
Bakit may bumabang diyos galing langit?
“UY!”
“Ah-hehe. So..sorry. Ano nga p-pala 'yun…?” Ay, anu ba yun. Nakakahiya.
Nagulat ako lalo nang bigla niyang pinat niya ang ulo ko.
“Ikaw talaga! Ang cute mo pa rin.”
Kyaaah, Ang init ng pisngi ko.
“Kumusta na, ‘Zel?” Siya pa lang ang tumawag saking ZEL.
“A-ayos lang. Ikaw?”
“Tahimik mo naman. Tara! Tayo!” Dahil nga gulat pa ako di ako tumayo kaya ang ginawa niya hinila niya ako.
“S-san tayo pupunta?”
“Sa canteen.” Nagsmile siya. Bakit ang ganda ng ngiting iyon?
“Ah..”
Hawak hawak niya ang kamay ko….dahil ng hinihila niya ako. Pero kahit ganon….Holding hands pa rin 'to.
Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante. Ano pa bang aasahan kong reaction nila? Eh, itong heartthrob na toh….hawak hawak ang kamay ko.
“Upo ka lang diyan. Wait for me here,” he winked at me.
Habang hinihintay ko siya rinig na rinig yung mga bulungan.
“Bakit niya kasama si Gelomylabs?”
“Oo nga… Why?”
“Diba may girlfriend si Gelo?”
“Guys. Wag nyo na lang bigyang malisya, malay niyo friends lang sila.”
“Siguro nga, magkaklase pa naman sila.”
“Friends lang ang mga yan, ano ka ba! Look at her, she’s so simple. Walang siyang panama kay Raiza.”
Marami pa silang binubulong.
Sino ba ako? Ako lang naman si Hazel Romero na simple. Hindi ako matatawag na nerd dahil malayo ang characteristics ko dun, I don’t wear eyeglasses. Hindi ako matalinong-matalino. Pero nasa honor naman.
Wala akong panama kay Raiza Shao Alvarez. Maganda siya, mabait, friendly and genius. At…Boyfriend niya si Gelo Fernandez.
“Zel. For you.” Inabot niya saken yung isang styro.
“A-ano 'to?”
“Palabok, remember nung una kitang tinreat? Iyan ang kinain natin.”
Yung kinain namin kaya nagka-allergy ako? Kakainin ko ba?
Nakakahiya naman sakanya kung tatanggi ako.. pero baka…..
“Alam mo bang nakipagsiksikan pa ako para makabili niyan, laging nauubusan ng palabok na iyan eh," natutuwang sabi niya. Nakonsensya naman ako.
“Ah. G-ganon ba? Thank you.” nakayuko kong sabi.
Tinitingnan ko lang yung hawak kong styro. At pinag-iisipan ko pa kung kakainin ko ba. Ayoko ng ma-ospital dahil sa allergies ko.