A/N: Sorry for the late and super short update. Ayoko na pong sabihin na 'babawi ako'. Hindi naman laging natutupad. Basta po sisiguraduhin kong matatapos ko itong story na ito. Salamat po sa mga readers na walang sawang naghihintay! <3
-Joycei
PS: Hindi ko na po binasa itong tinype. In short, hindi pa po na-edit. Busy :3
Ten||BP
Hazel’s POV
Wala akong ganang kumain. Iniisip ko pa rin iyong napanaginipan ko. Sino naman kaya ang lalaking iyon? Hindi ko naaninag ang mukha niyo pero parang kilala ko siya. Maybe, napaparanoid lang talaga ako.
“Problem?”
Tipid akong ngumiti kina papa.
“May inisip lang po ako, ‘pa.” Pagkasabi ko non, lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“Anak, alam mo naman na hindi talaga ako payag na makipag-boyfriend ka na. You’re just fifteen years old! Pero dahil sa kakulitan ng mama mo, wala akong nagawa.” He patted my head. “Madalang lang akong nasa tabi mo anak, kaya I’m hoping na iingatan mo ang sarili mo.”
“’Pa naman, I’m old enough to take care of myself.” Ngumiti ako kay dad and I mouthed, “Thank you dad.”
Bumalik na ulit si dad sa upuan niya at nagsimula na ulit siyang kumain. Ito ang isa sa mga nakakatuwa kay dad kapag nasa bahay siya, hindi ito nauubusan ng kwento. Hindi ko alam kung bakit ako lang ang tahimik sakanila. Samantalang, ang daldal rin ni mama.
“Good morning po.”
Sabay sabay kaming tumingin sa nagsalita. It’s him. Ramdam ko ang biglang pagtahimik ni dad.
Lumapit ako sakanya. And he kissed my cheek.
“Good morning, Zel.” Ngumiti lang ako sakanya at saka hinila si Gelo sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ng kinauupuan ko kanina.
“Dad, this is Angelo Fernandez…my boyfriend.”
“Nice meeting you, Mr. Romero—“
“So you are my daughter’s FIRST boyfriend.” He laid a stress when he said the word ‘first’. Si dad talaga oh.
“Yes, sir.” Pagkasagot ni Gelo, I held his hand and squeeze it. Lumingon naman ito sa akin ad he gave me a small smile.
“Remember this, young man. If ever I heard that you hurt my daughter, I will make your life miserable that you couldn’t imagine how unlucky you are. Remember that.”
“Hon! Stop that.” Saway ni mama kay dad.