Forty Six||BP

17.7K 351 13
                                    

A/N: Hello, guys! Salamat po sa 300,000 reads!♥

By the way there's a youtube link in the corner or above. It is a video of a friend of mine while dancing. Doon ko po binase iyong sasayawin ni Gelo sa chapter na ito. Watch niyo, guys!

Brokenhearted Playgirl

by InnocentPen

Chapter Forty Six

**

Hazel's Point of View

Nagising ako nang magring ang telephone ko sa kwarto.

Unang pumasok sa isip ko si Gelo. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Hindi ko pa kayang harapin ang problema namin pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Halos isang buwan ko na siyang iniiwasan and I am so guilty.

Wala siyang ginawa masama, pero sinasaktan ko siya. Alam kong isang sorry ko lang ay maayos na kami ulit. Pero alam kong magkakaroon pa kami ng mga away ng dahil sa trust issues ko.

I tried to trust him again but I can't. Hindi ko na magawang ibalik sa kanyang ang tiwalang ibinasura niya noon.

Namatay ang tawag pero agad ding tumawag ulit. This time, sinagot ko na.

"Hello?"

"Ate Loooove!"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Braiden sa kabilang linya.

"What's up, Bray-Bray?" Tumingin ako sa alarm clock ko na hindi pa tumutunog. It was 5 am in the morning.

"Happy Birthday to me!!!" bibong sabi nito.

Nakalimutan ko at wala akong idea na ngayon pala iyon.

"Happy birthday, Bray-Bray! Hope you will enjoy your day," sabi ko.

"Ate Love, dad said the party will start at 3. You come ha?"

Napangiti na lang ako sa ka-conyohan ng bata.

"Oo naman, syempre." natutuwang sabi ko.

"Yey!!! I will dance later, Ate Love." sabi nito pagkatapos ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.

"Waaaah kuya is still sleeping. Wait, I will wake him!" pagpapatuloy nito pagkatapos ay narinig ko ang paulit ulit na pagtawag nito sa kuya niya.

"What?!"

Boses ni Gelo iyon. Mukhang nainis ito sa paggising sa kanya ng kapatid niya.

"It's my birthday!"

"Okay! Happy birthday. Now, leave me alone."

That was harsh. Pero alam ko naman na kahit na ganyan siya sa kapatid niya ay mahal niya si Braiden.

"Okay. I will tell Ate Love that you don't want to see her!" Narinig kong sabi ni Braiden.

Tahimik lang ako habang hinihintay ko ang sasabihin ni Gelo.

I miss him.

"Where is she?" tanong ni Gelo kay Braiden.

Matagal bago sumagot si Braiden.

"Braiden, don't lie," sabi ko sa kanya. Pero mukhang hindi niya ako naririnig.

"She's in the kitchen...no! She's in the dining, I am sure!"

Halata kay Braiden na nagsisinungaling ito, kaya hindi ko alam kung maniniwala ba sa kanya si Gelo.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang malakas na pagsarado sa pinto.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon