Twenty Seven||BP

21.5K 396 20
                                    


Brolenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Twenty Seven

**

Hazel's Point of View

After naming umalis sa Victoria ay nagpunta kami ng mall. Pumili sila ng mga bags, shoes, at ilang mga damit. Ako na ang nagbayad this time. Nilibre ko sila ng dinner. Nahiya naman ako sa kanila.

Hinatid na nila ako sa bahay after naming kumain.

Pagpasok ko sa gate ay kitang kita ko ang pagkabigla sa guard namin. They recognized me but not my new style. Hindi ako dating nagsusuot ng damit na konting galaw lang ay lilitaw na ang tiyan. But I am new, now.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay ganoon din ang reaction ng mga kasambahay namin.

"Miss Hazel!" bati sa akin ng isang kasambahay. Ngumiti ako dito nang makita ko ang pagkamangha sa mga mata nito.

"Where's my mom?" nagulat ako sa tono ko. This is not me.

"K-kusina po." sagot nito at halata sa tono nito ang pagkabigla. Tumango na lang ako at mariin na pumikit.

Gosh, Hazel. Don't include them. I said to myself.

Papasok ako ng kusina nang makasalubong ko si Manang Elsa.

Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at mababakas ang pagkamangha at...ang lungkot.

"Manang!"

"Anak, lalo kang gumanda." puri nito sa akin.

"Salamat po. Si mama po?" tanong ko. Tinuro nito ang loob kaya tumango ako at pumasok na.

Nakita kong busy si mama habang hawak ang pastry bag.

"Ma," bati ko rito.

"Oh, baby. Nandyan ka na pala," sabi nito habang habang patuloy pa rin sa ginagawa, "I'll finish this cake then have a taste, aryt?"

Tumingin ito sa akin at nanlaki ang mga mata nito nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Binitawan nito ang hawal niya at inalis ang suot niyang gloves. Itinaas nito ang kamay ko at tiningnan mabuti ang mukha ko.

Pure admiration and pride all over my mother's face.

Pinaikot niya ako at tinitingnan akong mabuti.

"You are so beautiful, baby."

Sabay kaming napatingin sa likuran namin. Nakatayo si dad doon na mukhang kakauwi lang niya. Just like my mother's reaction, I can see amusement and pride on his face.

Lumapit si dad sa amin at inakbayan si mama. Nakangiti lang ako habang tinitingnan nila akong dalawa.

"You are really beautiful, baby." Finally, nakapagsalita na si mama.

"Matagal na. But you look prettier," sabi ni dad. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Dad, can you finish the cake? Just put more icing on the top," sabi ni mama pagkatapos ay hinila ako, "she will have her pictorial!"

Natawa ako kay mama, "Ma, I told you I don't like grand debut celebration."

Since ilang months na lang ay mag-18 na ako. Pinipilit nila akong magdebut kaso ayaw ko. I don't like to socialize with others.

"No. No. This is not for you pre-debut." Tumingin ito sa akin.

"This pictorial is for your new self," kumindat ito sa akin at tuluyan na akong hinila.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon