Forty Eight||BP

14.2K 299 8
                                    

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Forty Eight

**

Hazel's Point of View

I went to the Magic garden and called the person I trust.

"Hazel?" I heard his voice.

"Are you busy?" I tried my best not to cry but it was so painful.

"Hazel, where are you?" kalmado ang tinig nito.

Sinabi ko sa kanya kung saan.

"I'll be there in ten minutes."

Tumango na lang ako sa kanya na para bang nakikita niya ako. Basta ko na lang binaba ang call, siya na siguro ang nag-end.

Nakayuko lang ako sa table nang  may lumapit na waiter sa akin, "I'm still waiting for someone po."

Pagkaalis ng waiter ay sinubsob ko na naman ang mukha ko sa table. I was a mess.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko maramdaman ang isang kamay sa balikat ko. Mabilis kong iniangat ang ulo ko at sinalubong ng yakap si

Josh.

"Josh...it hurts," umiiyak lang ako nang umiyak kay Josh. Hawak nito ang likod ko at pilit niyang pinapakalma ang loob ko.

"I know...I know," bulong nito sa akin.

Pinaupo niya ako at tinawag niya ang waiter upang mag-order. Pagkatapos ay muli niya akong hinarap.

He held my hand, "Do you want to tell me what happened?"

Tumango ako at kinwento ko ang lahat sa kanya. Tumatango lang ito sa akin at binibigyan ako ng ngiti.

"I'll be honest. I  know I should understand you and I actually did. But what you did is not right for the both of you."

Napapikit na lang ako sa sinabi niya at umiyak na naman. Naramdaman kong hinigpitan nito ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"What should I do, then?" I asked him.

Ngumiti ito sa akin at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang tinap iyon.

"Win him back."

Matagal akong nakatitig lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I wanted him back  but I was still scared. Mukhang nabasa ni Josh ang pag-aalinlangan ko kaya sumeryoso ang mukha niya.

"Sometimes, you have to overcome your fears first before you'll feel true happiness."

Tumango at sumang-ayon.

"Ayoko nang masaktan," pag-amin ko.

"Sino bang may gusto?" sabi nito sa akin na ikinatahimik nito.

"Humahanga ako sa mga taong ito," tumingin ito sa paligid kung saan masayang nag-uusap ang iba't ibang couples.

"Dahil hindi nila inisip ang sakit na mararamdaman nila. They build a strong love in the present so no one can destroy them in the future," sabi nito. Pagkatapos ay pinilit nitong ngumiti.

"Hindi ko akalaing sasabihin ko ang bagay na ito. Isa ako sa mga sira-ulong hindi nagpahalaga  sa nararamdaman ng mga babae noon. But when I felt love for the first time, nagsisi ako. Iniisip ko na paano kung gawin din sa babaeng mahal ko ang mga ginawa ko dati sa mga ibang babae? Iniisip ko pa lang na masasaktan siya ay nasasaktan na ako. Kaya pinangako ko na poprotektahan ko siya. Poprotektahan kita."

Muli akong naiyak.

"I'm sorry...I'm really sorry," malungkot kong sabi.

Dumating iyong pagkain namin at tahimik lang naming tinapos ang pagkain namin. Wala akong gana pero pinilit ko pa rin dahil ayaw kong isipin ni Josh na sinasayang ko ang libre niya sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa bahay. Bago pa ako makalabas ng sasakyan niya ay muli itong nagsalita.

"Please, don't be guilty just because you don't love me back like how I want it. Trusting me is enough for me. I want you to be happy."

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Pagkapasok ko ng bahay ay nasurpresa ako nang makita ko si Lander doon. Matagal tagal na kasi kaming hindi nag-uusap dahil busy siya these past months. Graduating na kasi.

"Ay baaakla!" he went to me and hugged me tight.

"May balita ako sa'yo!" masayang sabi nito kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Nirecommend ako ni Tita Victoria sa isa sa mga kaibigan niyang designer sa Paris and guess what binigyan ako ng scholarship sa isanv Fashion Design School. Grabe, I'll be leaving soon," napakasayang sabi niya.

Nakaramdaman ako ng saya para sa kaibigan ko kaya bahagya akong napatalon at sinalubong ito ng yakap.

"I'm so happy for you!" sabi ko sa kanya.

"Bakla ka, sunod ka sa akin ha!" sabi niya sa akin.

Unang sumagi sa isip ko si Gelo. Iiwanan ko ba siya dito?

"Hindi ko alam," tumawa ako na ikinasimangot nito.

"Diba sabi mo gusto mong maging si Tita Victoria? Basta, next year pagkatapos ng graduation mo, hihintayin kitang bakla ka. Makikita mo," sabi niya.

"Maiiwan sina papa," sabi ko na lang.

Bigla itong nagseryoso.

"Sila ba talaga?"

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang luha ko.

"Halata sa mata mo na kanina ka pa umiiyak, pero sige lumuha ka lang," sabi ni Lander at nilapitan ako.

"Nakausap ko ang mama mo kanina, tapos ipinagpaalam na kita para sa pag-alis mo next year. At sang-ayon siya, alam mo ba kung bakit?" tanong nito sa akin.

Wala sa isip ko ang pagpunta ng Paris upang doon mag-aral. Balak ko sanang dito na lang sa Pinas. Pero gusto kong malaman kung bakit pumayag si mama kung aalis man ako next year.

"I want my daughter to live for her own life, not for others," panggagaya ni Lander sa boses ni mama ko.

"You still have a year to think about it, Bakla."

**

Pagkaalis ni Lander ay naabutan ko si mama na nagluluto sa kusina. Nilapitan ko ito at niyakap mula sa likuran niya.

"I love you, mommy," sabi ko dito. Sinenyasan ni mommy ang isang katulong upang bantayan ang niluluto niya.

"I love you, too, baby," sagot ni mama at niyakap niya ako. Umupo kami sa dining.

"Almost one month na lang, debut mo na. What do you want to do?" tanong nito.

Ngayon ko lang naalala iyon. Unti unti kong narealize na kay Gelo na lang umikot ang buhay ko these past months.

"Ayoko po sana ng magarbong celebration. Kahit tayo tayo lang ng mga nakatira dito at mga kaibigan ko," sabi ko.

"Pagkatapos po, may request ho sana ako," pagpapatuloy ko.

"Can we go abroad this summer?" tanong ko.

Ngumiti si mama dahil bihira lang akong magrequest at alam kong gustong gusto ni mama ang request ko.

"Saan tayo, baby?"

"Paris po."

Ngumiti ito at tila kumikislap ang mga mata. Alam na siguro niya na sinabi sa akin ni Lander ang mga sinabi nito.

Pangarap ni mama ang maging fashion designer pero ang gusto ng parents niya ay siya ang magtake-over ng company ng family nila.

Idolo ko si Tita Victoria at balang araw magiging katulad niya ako. Ako ang tutupad ng pangarap ng mama ko.

**

A/N: Two more chapters before the Epilogue. Love you, guys!

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon