{Mika's POV}
Nagyaya sila Zylin na magkita kita sa Coffee shop na pinupuntahan namin palagi.Kanina pa ako nandito naghihintay sa kanila. Gusto ko na talagang kalimutan Yung nangyari kahapon. Sana mag karoon ako ng amnesia para makalimutan ko na yun.
Maya Maya pa ay isa isa na silang nag sidatingan. Bakit nga ba Kami nagkita kita ngayon?
"Malapit na mag end Yung semester. Ano pinayagan na ba kayo?" Tanong ni Zylin samin. Hmm? Pinayagan Saan?
"Oo naman ako pa ba." Sabi ni Abigail
"Haha Oo na ikaw na." Sabi naman ni Alessandra.
"Ikaw Joanna?" Tanong ni Zylin.
"Oo naman. Nag drama ako Kay mommy. Ayun pinayagan ako." Sabi ni Joanna sabay tawa."Ikaw Mika. Pinayagan kana ba?" Tanong sakin ni Abigail. Tumingin naman sila sakin.
Napakunot Yung noo ko.
"Hmm? Pinayagan Saan?" Takang Tanong ko. Sabay sabay naman silang nagbuntong hininga."Hayy naku. Diba sinabi ko na sayo na. Mag a-out of the country tayo pagtapos ng semester." Sabi sakin ni Zylin. Napaisip naman ako.
"May sinabi kaba sakin?" Sabi ko sa kanya Wala talaga akong maalala.
"Oo Meron. Kahapon ko Lang sinabi sayo yun nakalimutan mo na agad." Nagtawanan naman sila sakin. Tapos ako napakamot nalang ako ng ulo."Edi Hindi kapa nakakapag pa Alam?" Tanong sakin ni Alessandra. Umiling naman ako.
"Magpaalam kana NOW NA!"Sabi naman sakin ni Abigail. Kinuha ko naman Yung cellphone ko sa bag.
"Eto na. Magpapaalam na." Sabi ko at dinial ko Yung number ni Mommy.
"Hello?" Sabi sa kabilang Linya.
"Hello Mommy?" Sabi ko.
"What? I'm so busy right now." Iritang sabi niya.
"Magpapaalam Lang po sana ako." Sabi ko sa kanya. Minsan iniisip ko kung Mahal ka ba ako ng mga magulang ko ehh"Oo na Sige. Marami pa akong ginagawa dito." Sabi niya sabay end call.
"Anong sabi?" Tanong ni Kate.
"Pumayag agad." I said in dismay."Ayaw mo nun makakasama ka samin." Sabi naman ni Abigail.
"Saan ba tayo pupunta?"Tanong ko sa kanila."Gusto ko sa Korea." Mabilis na sabi ni Zylin. Agad namang umangal sila Abigail.
"Ano bayan. Korea na naman. Dun na nga tayo pumunta last year ehh. Hindi ka ba nagsasawa?" Sabi ni Alessandra.
"Ehh kasi gusto Kong makapunta sa Fansigning event." Sabi ni Zylin.
"Ikaw Mika Saan mo Gustong pumunta?" Tanong sakin ni Alessandra.Napaisip naman ako kung saang bansa.
"Hmm. Sa Japan?" Patanong Kong sabi.
"Whoo. Okey yun. Gusto Kong makapunta sa mga shrine sa Japan." Excited na sabi ni Kate.Nalungkot naman si Zylin.
"Haha. Okey Lang yan Zai." Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya."Uhm. Guys May gusto Lang akong itanong sa inyo." Sabi ko sa kanila. Tumingin naman sila sakin.
"Ano naman yun?" Tanong nila sakin
Nagdadalawang isip akong sabihin sa kanila Dahil baka asarin Lang nila ako"Uhm. Kasi May nararamdaman akong kakaiba lately eh." Sabi ko sa kanila.
"Huh? May sakit kaba?" Alalang Tanong nila sakin.
"Siguro?" Patanong Kung sabi sa kanila."Huh? Anong siguro." Sabi naman ni Zylin.
"Eh kasi kapag kasama ko si Sky hmm. Yung heartbeat ko bumibilis. Tsaka siya nalang palagi Kong naiisip. May sakit ba ko?" Sabi ko sa kanila.Hinawakan ako ni Kate sa balikat ko.
"Omaygad si Mika. Nagdadalaga na." Sabi niya sabay yakap sakin."Huh? Anong nagdadalaga? You mean puberty?" Takang Tanong ko sa kanya.
"Wala kang sakit Mika. In love ka na." Tuwang tuwang sabi nila. Nanlaki naman Yung Mata ko.
"Huh? I-in love? Ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili Ko.
Sabay sabay silang Tumango.
"Naalala ko. Hinalikan niya ako kahapon." Pagkasabi ko nun ay nagtilian silang lima. Nagtinginan Tuloy samin Yung mga Tao sa Coffee shop."Hoy Ang ingay niyo. Nakakahiya." Saway ko sa kanila.
"Di nga? Hinalikan ka niya?" Tanong ni Alessandra. Tumango naman ako.
"As in sa lips?" Sabi ni Kate. Tumango Lang ulit ako.
Tumili ulit sila. "Ano ba. Ang ingay niyo." Saway ko ulit."Bakit ka niya hinalikan?" Tanong ni Abigail.
"Hindi ko nga Alam eh." Sabi ko.
"Isa Lang ibig sabihin niyan. May gusto ka niya Mika. Omaygad MU kayo." Kinikilig na sabi ni Abigail.Yung mga kaibigan mong mas kinikilig pa kesa sayo. Hayy naku.
YOU ARE READING
Remember Me.... Please
RomanceIt's hard to leave and forgot someone that has been part of your life someone who you care for, that someone who is with in good time and in bad times, someone who makes the hard time a lot more easier a shoulder to cry on. But what if that someone...