Chapter 4

5 0 0
                                    

A/N: Alessandra At the top

{Mika's POV}
Kinabukasan dahil hapon naman Ang pasok ko ay gumawa muna ako ng mga assignments ko.

Kunting tiis nalang Mika makaka graduate ka rin.

After ilang hours ay natapos na rin ako sa assignments ko. Isasave ko nalang siya sa USB ko.

Tumayo ako para kunin yun sa drawer ko.

"Huh? Bakit Wala dito? Dito ko Lang yun nilagay eh." Sabi ko sa sarili ko.

Hay naku Mika Ang Bata Bata mo pa ulyanin kana.

*Time Skip*
"Sa wakas nahanap rin kita. Nagtatago ka pa ah." Sabi ko. Para akong Baliw na kinakausap Yung USB.

Nasa bag ko Lang pala pinahirapan pa akong maghanap.

Pumunta ako sa laptop ko at sinave na sa USB Yung mga files ko.

Habang nag sa save ay humiga muna ako sa kama ko.

Sumakit Yung likod ko dun ah.

*Time Skip*
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Chineck ko naman kung anong oras na 12:00 PM luckily mag 1 hour pa ako para mag ayos.

1:00 kasi Ang pasok ko eh. Bumangon na ako at nag ayos na.

After ilang minutes ay bumaba na ako para kumain.

Umupo na ako at sinimulan ko ng kumain. Hanggang ngayon Hindi parin talaga ako sanay ng May nag babantay sakin habang kumakain ako.

Pagkatapos ay umalis na ako. As usual Hinatid ako ng driver namin papuntang school.

Pagbaba ko ay Nakita ko Yung mga tropa ni Clint.

Hinahabol sila ng mga fans nila dito sa school.

"Mika! Panghapon Karin?" Napalingon ako ng May tumawag sakin. At Nakita Kong si Alessandra pala yun.

"Oo ikaw din?" Tanong ko sakanya.
Masaya siyang tumango.

Alessandra Mae Johnson is also one of my best friend. She's 22 years old And Accounting Student.

Her parents owned a financial group that's why she is studying accounting.
Kaka break Lang nila ng boyfriend niya a few weeks ago.

Ewan ko kung bakit sila nag break. Hindi naman niya kasi sinasabi eh.
Kaya Hindi na namin tinatanong.

"Namiss kita Mika. Bakit kasi iba iba Yung course natin eh. Yan tuloy Hindi na tayo madalas mag kakasama." She said and I chuckled

"Kasi iba iba tayo ng course." I laughed. Sinamaan niya Lang ako ng tingin.

"Hayaan mo malapit na rin mag end Ang semester kunting tiis nalang." Sabi ko habang naglalakad sa papunta sa department ko.

Nga pala Hindi ko pa nasasabi kung anong School namin.
Lyndole International Academy Ang pangalan ng School namin in short LIA. Lahat ng grade nandito na.

And sobrang Mahal ng tuition fee.
Wag niyo ng tanungin baka malula pa kayo.
Dito Kami nag Elementary up to College.

And When you're in college even if you're in different course sabay sabay paring mag sisimula at mag eend Ang semester.

"Oo nga no.Gusto ko sama sama tayong anim." Sabi niya sakin.

Nagusap Lang Kami ng nag usap hanggang sa makarating na Kami sa kanya kanya naming department building.

Nagpaalam na Kami sa isa't isa.

Pumunta na ako sa first subject ko.
Chine-check ko Yung bag ko habang naglalakad ako.

Hinahanap ko Yung USB Dahil Lahat ng assignments ko nandun.

Habang naglalakad ako ay May nakabangga naman ako.

Nahulog naman Yung bag ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko dun sa nabangga ko.

"Tch. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh. Next time kasi tumingin ka sa daanan mo." Iritang sabi sakin nung nabangga ko.

"Sorry. Hindi ko sadya." Sabi ko sakanya. Parang namu mukhaan ko tong lalaking to.

"Get out of my way!" Sabi niya sabay hawi sakin.

"Aray" Bulong Kong sabi.

Ah! Naalala ko na kung Sino yun siya si Sky Davis. Tropa rin ni Clint.
Grabe ahh Ang sungit naman nun.

Nag sorry na nga Yung Tao ehh.
Pinulot ko naman Yung bag ko at naglakad na papunta sa room.

Remember Me.... PleaseWhere stories live. Discover now