Puzzle Ring

1.1K 5 1
                                    

Chapter 1

Ako si  Jadine isang lesbian lover. Iningatan ko ng 7 years ang relasyon namin ni Imee.

Nag simula ang relasyon namin noong high school pa lang kami at crush ko na sya. Mataas ang posisyon nya sa C.A.T at marami ang nag kakagusto sa kanya.

Mahilig akong mag padala ng sulat sa kanya at pinaaabot ko sa mga ka klase nya. In short ako ang nanligaw sa kanya.

Noong una hindi nya ako pinapansin at tinatapon nya ang mga sulat ko. Alam ko na wala akong pag asa sa kanya dahil hindi ko alam kung babae ang gusto nya o lalaki. Marami din kasi nag kakagusto sa kanyang mga lalaki.

Hanggang isang araw nakita ko syang nag lalakad palabas ng school. Sinamahan ko sya pauwi dahil wala syang pamasahe. Nabasa pa kami ng ulan noong papauwi na kami kaya minabuti kong yayain sya sa bahay namin.

Sumama sya sa bahay at pinakilala ko sya sa parents ko bilang bestfriend ko. Mula noon nagustuhan sya ng parents ko at gusto nila na mag stay si Imee sa bahay namin. 

Natuwa ako sa naging pasya nyang manatili sa bahay namin. Lahat ng kailangan nya binibigay ko at pinag sisilbihan ko sya. Hindi ko mapaliwanag kung bakit mas gusto ko syang kasama kaysa sa mga kaibigan ko. Ang alam ko lang ay gustong gusto ko sya dahil napapasaya nya ako.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon