Puzzle Ring

260 1 0
                                    

Chapter 12

May isang araw na hindi na sya nag paramdam sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganon. Pinag mamasdan ko na lang ang mga edited pictures namin na dalawa at nilalagay ko sa facebook. Nalungkot ako sa mga panahon na hindi sya nag te-text sa akin at tumatawag. Feeling ko pinasakay nya lang ako na akala ko kahit long distance lang kami ay pwede kaming bumuo ng magandang relasyon.

Hanggang isang araw tumawag sya sa akin at sinabi nyang uuwi na sya at mag ki-kita na kami. Sobra akong na excite at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nakita ko sya. Pinag hahandaan ko ang araw na darating sya kaya bumili na ako ng advance gift ko sa kanya.

Noong dumating na sya ng Pilipinas ay tumawag sya agad sa akin. Gabi ang dating nya kaya kinabukasan pa kami nag kita. Ang first meeting namin na dalawa ay sa Fridays at kasama ang friend nya na taga Davao. 

Noong una talaga hindi ko gusto ang friend nya dahil mukhang may gusto ito sa kanya pero hindi ko na lang din pinansin at kahit na nag seselos ako eh pinilit ko na lang maging masaya kasama sila. Dinala ko din ang dalawa kong  kaibigan dahil nahihiya talaga akong makipag eyeball sa taong ngayon ko lang makikita at makakasama.

Nag kamali kami ng order na dalawa sa sobrang pag ka excite kong makita sya. Hindi na nawala ang kamay ko sa kamay nya at sa iisang plato lang kami kumakain. Hindi ako gaanong kumain dahil pinag mamasdan ko sya at kinakausap.

Ang mga friends ko ang mas kinikilig pa sa pag kikita namin na dalawa kaya kinuhanan nila kami ng mga picture habang kumakain. Mas lalo pa akong kinilig nong dumating ang staff ng Fridays dala ang ice  cream with candle at kinantahan kami ng happy birthday.

Sinabi nya na hindi man namin birthday pareho ay special ang araw ng pagkikita namin na dalawa dahil walang nag bago sa aming dalawa. Kung ano kami sa internet ganon kami sa personal at mas masaya pa.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon