Puzzle Ring

231 1 0
                                    

Chapter 20

May ginintuang puso talaga sya dahil bago kami pumunta ng Valenzuela ay nag groceries kami at iniwan namin ang mga yun sa friend nya. Ang bait bait nya kahit sa mga kaibigan nya. 

Marami pa syang kaibigan na gusto nyang dalawin at kumustahin pero makakapos na sya sa oras kaya huli na ang kaibigan nya sa Valenzuela na binisita namin. 

Bumalik na kami sa bahay at tinulungan ko sya mag impaki ng gamit nya. Pagkatapos kasi ng araw na ito ay sa Taguig naman kami mag stay at doon na namin hihintayin ang flight nya.

Gustong gusto sya ni Mom dahil ma kwento sya at napapatawa nya sila. Natutuwa naman ako dahil hindi sya nag sasawa sa luto ni Mom. Sa tingin ko tumaba sya kasi pareho lang kami mahilig kumain at nag kakasundo kaming dalawa sa mga paborito namin mga pagkain. 

Ma mi miss ko talaga ang kakulitan nya at sa panahon na mag kasama kami gusto ko na huminto ang oras. Nag enjoy ako sa mga na puntahan namin na lugar at masaya syang kasama ako.

Nakilala naming mabuti ang isat isa kahit sa maikling panahon na pamamalagi nya sa pinas. 

May mga araw na kapag nauuna akong nagising ay pinag mamasdan ko muna sya habang natutulog sya. Ang amo amo kasi ng mukha nya at parang wala syang problema.

Tinitignan ko din ang mga pictures namin noong nasa Davao kami at noong naligo kami sa beach. Napapangiti na lang ako dahil ang saya ng mga alaalang yun.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon