Chapter 27
Ilang linggo lang si Mom sa hospital at sa bahay na sya nag papagaling. Gustong gusto ni Dad si Imee na mag balik ng bahay namin pero ayaw naman ni Imee. Alam ko na may ibang ka relasyon si Imee kaya paminsan minsan lang sya dumadalaw sa bahay.
Wala na kami chance mag usap ng mahal ko mag mula noong masabi ko sa kanya ang lahat lahat. Nag pasya uli ako mag ibang bayan pero ayaw ni Imee pero gusto ko at magaling na naman si Mom. Wala na sila maaasahan kundi ako lang kaya nag abroad uli ako.
Nawala na din ang communication namin ni Imee sa muling pag aabroad ko. Nagkaroon na naman kami ng chance mag usap ng mahal ko sa facebook pero bilang mag kaibigan na lang.
Madalas kami nag uusap sa skype kahit nasa trabaho ako. Nasa hospital ako nag ta-trabaho at pag nasa nurse station ako ay nag uusap kaming dalawa sa skype. Hindi ako nahuhuli dahil naka abaya ako sa clinic at nakatago ang headset ko.
Bumalik yung dating kami pero natatakot na ako. Kung kailan na lang may time ako doon na lang kami nag uusap. Pinapa kilig pa rin nya ako at nag eeffort sya na maisaayos ang relasyon namin na dalawa. Nakalimutan na namin ang pag kakamali ng isat isa.
Hindi ko alam kung masasabing totoong relasyon ang ganito pero masaya kaming pareho kapag may communication kami. Hindi na rin ako umaasa na mag tatagal kaming ganito kung alam namin sa aming mga sarili na nagkaroon na ng lamat ang relasyon namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/15108207-288-k93855.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.