Chapter 6
Pumunta sya sa bahay at nag mamakaawang huwag ko syang iwan. Hindi ko na kaya ang panlolokong ginagawa nya sa akin. Masakit para sa akin ito pero kailangan ko syang i-let go na lang at mag move on ako sa buhay ko.
Binuhos ko ang panahon ko sa OJT ng matapos ako sa pag aaral ko. Sya ang inspirasyon ko sa pag aaral ko pero ngayon hindi na. Gusto ko na lang matapos ang pag aaral ko. at pagkatapos ay mag aabroad ako para sa pamilya ko at ng maiahon ko din sila sa hirap.
May mga araw o sandaling umiiyak ako. First love ko kasi sya pero hindi sya naging kuntento sa akin. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Saan ba ako nag kulang? May mga nagawa ba akong hindi nya nagustuhan? Hindi naman ako nag babago sa pakikitungo ko sa kanya at sa pag aalaga ko sa kanya. Sadya lang sigurong hindi nya malabanan ang tukso kaya nagawa nya akong lokohin.
Nag gradate ako sa College na hindi sya dumalo. Hinahanap sya ng pamilya ko pero ang lagi ko na lang sagot sa kanila ay nag asawa na sya at hindi na sya muling mag papakita sa akin kahit kailan.
Matagal na syang hindi nag pakita sa akin simula noong umalis ako sa boarding house. Nakalimutan na din nya ang mga special occassions ng pamiya ko. Hindi ko alam kung ano na ang bago o nangyari sa kanya. Inisip ko na lang na baka masaya na sya kay Joy at nag sa sama na din sila.
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomansIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.