Puzzle Ring

372 1 0
                                    

Chapter 4

Nakilala pa nya ang ibang mga kamag anak ko sa father side. Gustong gusto na  sya ng Lola ko kaysa sa akin. Sweet kasi si Imee at marunong makisama kaya lahat nakakasundo nya.

Masaya ako na nagiging kasundo na nya ang mga mahal ko sa buhay. Sapat na yun para sa akin na patunayan nyang mahal nya din ako.

Dumating ang araw ng graduation namin. Sa bahay na kami nag celebrate. Nakakainis na nakakatuwang isipin na mas anak pa ang turing ng parents ko kay Imee kaysa sa akin pero ok lang dahil magiging parte na din naman sya ng pamilya namin.

Sa Manila na kami nag College na dalawa. Pinag aral sya ng Tita at Lola ko. Nasa boarding house kami at sabay na din kaming pumapasok sa school. Habang nag aaral ay nag sideline syang mag tutor online kaya madalas umaga na ang uwi nya.

Hindi ko akalain na after ng class nya at pupunta na sya ng work nya ay may mga kasabayan syang nag tu-tutor din online at doon nakilala nya si Joy.

Mas bata sya sa akin at crush nya si Imee. Madalas silang mag kasama after ng tutor. Nalaman ko ang mga ito noong minsan sinundan ko sya after ng klase nya at mag kasama sila ni Joy. 

Masakit para sa akin na makita ang mahal mo na may iba pang pinag kakaabalahan maliban sa pag aaral at pagtuturo. Nag umpisa na akong pakialaman ang celfone nya at mga gamit nya kaya lagi na kaming nag aaway na dalawa.

Hinamon ko na sya ng hiwalayan at nag hiwalay na kaming dalawa. Nag sama sila ng Joy nya at patuloy pa rin sya sa pag aaral nya at pag tuturo.

Muli kaming nag kita nong minsan na may kasalan na naganap sa relatives ko. Na pag alaman ko na patuloy pa rin ang suporta ng Tita ko at Lola ko sa pag aaral nya at humihingi pa sya ng allowance sa mga ito.

Hindi ko natiis na di sya kausapin at sinabihan ko syang itigil na nya ang panlolokong ginagawa nya sa pamilya ko. Nakiusap syang wag ko sabihin sa family ko na wala na kami at hindi na kami mag kasama sa boarding house ng di sya mawalan ng sustento.

Sa araw na yun bumalik muli sya sa akin. Nangako syang hindi na sya mag loloko at magiging tapat na sya sa akin.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon