Chapter 17
Maaga kaming gumising para mag check out. Habang nag hihintay kami ng taxi sa resort na yun ay nilibot muna namin ang buong resort at nag picture kaming dalawa. Ang saya ng araw na yun dahil halos lahat ng pictures namin ay kasama ang magagandang tanawin at pareho pa kaming naka ngiti.
Ayaw ko ng matapos ang mga sandaling iyon pero kailangan namin makabalik ng city. Sa mall na kami nag lunch at nag palipas kami ng ilang oras doon para hintayin ang flight namin pa balik ng Manila.
Nong dumaging kami ng airport na delayed ang flight namin kaya nag hintay muna kami sa waiting area. Binuksan nya yung portable dvd player nya at nanood kaming dalawa ng horror movies. Ilang sandali na lang ng may lumapit na babae sa kanya at nakikinood din. Ang sarap hampasin ng bag yung babae na parang di nya ako nakikita na katabi ko ang mahal ko.
Umalis lang yung babae noong tinawag na kaming papasakay na sa eroplano. Nakangiti ang mahal ko sa akin at alam nya na nag seselos ako. Panay naman ang explain nya na yung babae naman ang lumapit at hindi sya.
Hindi ko masabing nag enjoy ako o hindi sa bakasyon namin sa Davao dahil ang daming umipal sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.