Puzzle Ring

431 1 0
                                    

Chapter 3

Hanggang isang araw dinala nya ako sa bahay nila at nakilala ko ang mga kapatid nya at ang Nanay nya. Hindi man kami lantad na dalawa sa relasyon namin ay alam naman nila na may kakaiba sa aming dalawa dahil na din sa mga  kinikilos namin.

Hindi sya tanggap ng mga kaibigan ko para sa akin dahil napaka strikto nya. Yung mga dati kong ginagawa kasama ang mga kaibigan ko na namasyal at kumain sa labas ay hindi ko na nagagawa dahil nagagalit sya at inaaway nya ako.Mahal ko sya kaya sinunod ko ang lahat ng gusto nya.

Nag karoon kami ng pag aaway na muntik ng mauwi sa hiwalayan. Ito yung dumating si Anthony ang bestfriend ko. Ayaw nya na nakikipag usap ako sa lalaking ito dahil alam nya noon na crush ko din si Anthony. Natatakot syang iwan ko sya at mag bf ako.

Hindi ko sya iniwan dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa pag ka-kaibigan namin ni Anthony.

Alam kong mali ang isantabi ko ang mga kaibigan ko dahil sa kanya pero ayaw ko syang mawala sa akin. Alam nya na sya ang buhay ko at hindi ako mabubuhay ng wala sya.

Doon ko naramdaman kung gaano ako kahalaga sa kanya kaya mas tumindi rin ang pag mamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami mag tatagal pero sa bawat pag lipas ng ilang sandali ay mas lalo namin pinag titibay ang mabuting samahan namin.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon