Chapter 14
Meron akong duda na may relasyon sila ng kaibigan nya pero inaalis ko ito sa isip ko dahil alam ko na mahal nya ako. Minsan hinahanap ko sya sa kwarto namin pero wala sya at nakita kong lumabas sya sa kwarto ng kaibigan nya. Pumunta ako sa kwarto ng mga kaibigan ko at sinabi ko ang nakita ko at ang dami ko ng speculations na ganyan, ganon pero pinakalma pa rin nila ako.
Sinabi ko din sa mga kaibigan ko na may motto syang pag walang nangyari sa amin ay hindi nya ako mahal. Ilang araw na kasi syang nasa Pilipinas pero wala pang nangyayari sa amin pero siguro humahanap lang sya ng tamang tempo at hindi naman din yun minamadali. Ayaw ko isipin na pinag tri-tripan lang nya ako o niloloko pero bakit naman sya uuwi ng Pilipinas kung hindi nya ako mahal o nanloloko lang sya to think may iniwan syang trabaho sa aboard.
Hanggang isang araw umalis na ang kaibigan nya. Masaya ako dahil hindi na nya makakausap yun ng madalas na kasama nya kami. Hindi rin nag tagal ay umalis na din kami sa lugar nila at namalagi kami sa bahay namin. Pinakilala ko syang kaibigan ko sa mga magulang ko dahil hindi pa ako handang sabihin sa mga magulang kong pumapatol ako sa lesbian.
Na pasyal ko sya sa lugar ko at nag night swimming kaming dalawa. Masaya lang kaming nag ki -kwentuhan at kumakain ng balot at bananaque. Simple lang sya at masaya syang kasama ako. Marami akong nakuhang picture nya at hindi na ako mag eedit ng picture namin dahil magkasama na rin kami sa wakas.
Masaya akong pinag mamasdan ko sya at madalas nag kakatitigan kaming dalawa. Nakalimutan ko si Imee noong magkasama kami. Walang araw na di nya pinaparamdam na special ako sa kanya.
Ang hindi nya makakalimutan sa akin ay ang pag sisilbi ko sa kanya at lagi ko ihinahanda ang gagamitin nyang dami.

BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.