Puzzle Ring

292 1 2
                                    

Chapter 8

Imbes na magalit ako sa sinapit nya ay mas nangibabaw ang pagmamahal ko muli sa kanya. Binalak nyang mag pakamatay noong mangyari yun pero hindi naman nya ginawa dahil naniniwala syang tatanggapin ko pa sya kahit ano pa man ang mga naging kasalanan nya sa akin.

Lumipat kami ng Pasig sa bahay ng pinsan ko. Pareho na kaming nag ta-trabaho. Sa clinic ako nag ta-trababo at sya naman ay sa school. Alam kong may kakaiba na sa relasyon namin. Parang kulang parang may nag bago at hindi na tulad ng dati.

Nararamdaman ko na hindi na nya ako mahal. Nananatili lang sya sa akin dahil may utang na loob sya sa akin. Takot ako mag ka night life kami dahil baka iniisip isip pa nya ang mga masasamang nangayari sa kanya. Pinapakita ko pa rin sa kanya na walang nag bago sa akin at tapat ako sa kanya. Hindi pa rin ako nakakaligtas sa pagiging strikto nya na kahit saan ako mag punta dapat alam nya at alam na din ang oras ng uwi ko.

Hanggang isang araw nakaramdam ako ng kakaiba. Woman's instinct ito at hindi ako pwedeng mag kamali sa kutob ko. Hindi ako mapakali na hindi pa sya umuuwi sa oras ng uwi nya hanggang sa nakatulog na ako. Umaga na noong nakauwi sya at tinanong ko sya kung saan sya natulog kagabi pero todo iwas sya. Natatakot ako na baka may iba na naman sya o baka sila pa ni Joy.

Ayaw nyang aminin sa akin na may iba sya kaya nag imbistiga akong mag isa. Alam ko ang mga password nya sa facebook at yahoo kaya nabubuksan ko ang mga ito ng di nya alam. Nahuli ko sya sa facebook na may ibang ka relasyon. Sa pangalawang pag kakataon nasaktan na naman ako na umasa akong maaayos pa namin ang relasyon namin na binuo namin ng mahabang panahon. Hindi na babae ang ka relasyon nya ngayon at lalaki na ito.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon