Puzzle Ring

225 0 0
                                    

Chapter 24

Inamin nya na umuwi sya ng Pilipinas  dahil nakipag kita sya sa Ex nya. Everytime na tatawag ako sa kanya yung bestfriend nya ang palaging sumasagot kasi mag kasama sila nong Ex nya. Kinulit kulit ko syang tawagan hanggang sa makausap ko na sya. Sinabi na nyang kasama nya ang Ex nya at mahal pa nya yun. Hindi ko alam kung tatalon ako sa bangin o ano dahil sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako.

Sya ang sumalba ng buhay ko noong kay Imee ngayon sya ang nananakit sa akin. Hindi ko na sya kinulit at tinawagan pa dahil hinayaan ko na lang sya sa buhay nya. Masakit pero kailangan ko mag move on.

After ng bakasyon nya bumalik sya sa lugar nya. Share kami ng password sa isang facebook account kaya nakikita ko pa rin mga post nya. Pinapa delete ko lahat ng pictures namin na nilagay nya don pero di nya inalis kundi na hide nya lang sila lahat.

Nakakapag usap kami pero sandali lang dahil pinipilit ko ang sarili kong di sya maalala pa. Naging bahagi sya ng buhay ko pero gusto ko na syang kalimutan. Madami kaming magagandang alaala na dalawa pero nasayang lang yun noong umuwi sya ng Pilipinas at nag sama sila ng Ex nya.

Buong buhay ko nag pakatanga ako sa pag ibig ko sa mga lesbian pero ganito lang din pala ang gagawin nila sa akin. Hindi sila makuntento. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong masama na ginaganito nila ako. Mahirap ba akong mahalin? Mahirap ba ako unawain? Binigay ko naman ang lahat lahat sa kanila pero ganito lang ang pinaramdam nila sa akin.

Hindi nag tagal nakikipag balikan sya sa akin. Binabara ko lang sya na matapos sya mag sawa don sa Ex nya ay babalik uli sya sa akin. Mahal ko sya pero hindi na muli ako mag papaloko sa kanya. Tama na siguro ang 1 year and 11 months na naging kami. Sya ang unang sumira ng relasyon namin. Sobra sobra na din ang second chances na binibigay ko sa kanya. Mag fo-focus na lang ako sa trabaho ko dahil para rin sa future at pamilya ko ang ginagawa kong ito.


The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon