Chapter 22
Noong nakarating na kami sa Taguig ay namasyal pa kami kasama ang mga pinsan nya at Tita nya. Dama ko pa rin ang lungkot na kung kailan aalis na sya may tampuhan kaming dalawa.
Noong kami na lang ang naiwan sa food court ay sinabi nya sa akin na Ex nya yung naka usap nya sa yahoo messenger. Sabi ko na kung gusto nya makipag balikan don ay ok lang sa akin pero sinabi naman nya na hindi sya makikipag balikan don at hindi na sya makikipag communicate pa. Pinanghawakan ko ang mga sinabi nyang yun. Hinalikan nya ako at niyakap.
Noong gabi na ay sa bahay na kami nag dinner. Nakiusap syang huwag ko sya ihatid sa airport dahil may pangitain syang pag hinahatid sya ng mga ex nya noon ay hindi nag tatagal ang relasyon kaya sumunod ako sa kanya. Hinatid nila ako ng Tito nya sa sakayan ng tricycle papuntang terminal ng FX. Hindi ko sya nayakap at nahalikan sa huling sandaling yun. Pinipigilan ko din umiyak dahil may mga kasama ako sa tricycle.
Na mi miss ko sya at nag flash back ang lahat ng mga nangyari sa bakasyon nya at sobrang dali naman ng pagkakataon na makasama ko sya.
Sa muling pag babalik namin sa long distance relationship ay sana walang mag bago. Mag hihintay uli ako sa muli nyang pag balik ng Pilipinas. Gusto ko syang makasama ng matagal sa Pilipinas pero hindi pwede. Kailangan namin mag sakripisyo sa ngayon dahil para rin naman sa amin ang gagawin nya.
Mas mahihirapan ako ngayon mamuhay mag isa dahil ibang parte ng pagkatao ko ay sumama sa kanya. Alam ko na magiging faithful sya sa amin pag nandoon na sya pero nandoon pa rin yung takot na hindi lang pala ako ang mahal nya at may iba pa.
Sana sa muli nyang pag balik sa bansa nya ay laging mag papaalala ang mga pictures at videos namin at hindi na mag bago ang nararamdaman nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.