Chapter 7
Hanggang isang gabi, kasagsagan ng bagyo at malakas ang hangin ng may nag doorbell.
Naalimpungatan ako at bumangon para tignan kung sino ang nag doorbell. Ako lang ang nagising dahil ang parents ko ay mahimbing ng natutulog.
Nakita ko syang basang-basa ng ulan kaya pinapasok ko sya ng bahay. Hindi ko man sya gustong tulungan pero namumugto na ang mga mata nyang nakatitig sa akin kaya binabaan ko na lang ang pride ko.
Inalagaan ko sya sa gabi na yun dahil may lagnat sya. Hindi ako nawala sa tabi nya. Buong araw nya akong hindi kinakausap dahil siguro nahihiya sya sa akin at sising-sisi na sya sa mga ginawa nya sa akin.
Noong gabi na ay nag usap kami at gusto nya na manatili sa bahay. Naiintindihan nyang hindi na namin maibabalik ang dati kaya pumayag syang maging mag kaibigan na lang kaming dalawa.
May mga gabi na nananaginip sya at pag gising nya ay umiiyak sya. Hindi ko sya maintindihan at hindi rin nya sinabi sa akin kung ano mga nangyari noong panahon na nawalan kami ng communication.
Pinilit ko syang sabihin nya sa akin ang lahat lahat ng gumugulo sa isip nya at nag sabi na din sya. Hindi ko nagustuhan ang mga sumunod na kwento nya sa akin. Yung pakiramdam na gusto kong pumatay ng tao dahil sa galit.
Yung akala nyang patay na Tatay nya ay hindi pa pala patay kundi bumalik ang Tatay nya sa kanila ng Nanay nya at gusto uli ma buo ang pamilya nila.
Nag ta-trabaho na si Imee at sya lang ang inaasahan ng pamilya nya dahil wala din trabaho ang Tatay at Nanay nya. Ang hindi ko lang matanggap ay sarili nyang Tatay ang hahalay sa kanya. Hindi naniniwala ang Nanay nya sa kanya at walang naniniwala sa kanya sa kamag anak nya.
Hindi ko na sya muling ibabalik sa pamilya nya kung ganito ang trato nila sa taong mahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/15108207-288-k93855.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.