Chapter 5
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya na parang alipin ako ng pagmamahal nya. Lahat ng gusto nya sinusunod ko at lahat ng bawal di ko ginagawa. Nabulag ako sa pagmamahal nya dahil naniniwala akong sya na ang makakasama ko habang buhay.
Dumating ang mga pinsan ko galing Singapore at lagi syang may pasalubong sa mga ito. Pamilya na ang turing nila sa kanya at lagi nila syang hinahanap sa akin kapag hindi ko sya kasama.
Nalaman nya sa isa kong pinsan na gusto akong kunin ni Kuaya Jake papuntang Singapore kaya nag away kami. Ayaw ko din umalis dahil maiiwan ko sya kaya pinili kong hindi na lang sumama ng maalagaan ko sya at manatiling kami. Alam ko kasi na hindi sya sanay sa long distance relationship kaya sinayang ko ang oportunidad na yun para lang sa kanya.
Nag patuloy ang buhay namin at masaya pa rin kami kahit maraming pagsubok na dumarating.
Noong nangako syang hindi na sya mambababae ay natuwa ako dahil nakikita ko naman na nag bago na sya at hindi na sila nag ki kita ng Joy na yun.
Hanggang isang araw nagkaroon sila ng party sa work nya. Hindi ko alam na may party sila dahil ang paalam lang nya ay magiging busy sya. Pauwi na din ako galing ng OJT. Unti unting pumatak ang luha ko nong pag sakay ko ng bus ay nakita ko sila ni Joy sa likod ng bus na nag hahalikan. Akala ko tapos na ang bangungot na yun pero hindi pa pala. Imbes na umupo ako dahil paandar na ang bus ay bumaba na lang ako.
Nakita nila akong dalawa noong dumungaw sila ng bintana ng bus na umiiyak ako. Alam kong gustong bumaba ni Imee pero umandar na ang bus. Sa di nami-dami naman ng bus doon sa aming sakayan ay tempo na nakita ko pa sila. Siguro it meant to be na makikita ko na talaga ang panloloko ni Imee sa akin.
Noong nakauwi ako ng boarding house kinuha ko ang mga gamit ko at umuwi ako sa amin. Hindi na kami nag kita o nag usap sa phone dahil galit na galit ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.