Chapter 26
Malayo ang hospital sa bahay kaya nag stay kami ni Imee sa isang motel. Binibiro ko nga sya na ang dami nyang discount sa mga ganito na lugar dahil siguro madalas sila ng bf nya dito tapos ngumiti lang sya sa akin.
Alam kong mali alam kong hindi dapat pero wala ako choice kundi mag stay don dahil sa sobrang antok ko na din. Alam ko masasaktan ko ang karelasyon ko pag nalaman nyang may nangyari sa amin ni Imee. Hindi ko na din na pigilan si Imee sa gusto nyang gawin sa akin dahil part of me may na mi-miss ako sa kanya. Meron at meron pa ring nag co connect sa aminng dalawa na hinahanap hanap ng katawan ko.
Official man na kami pa ng mahal ko pero sya ang unang nag loko sa amin kaya yung pag mamahal ko sa kanya ay di na ganon ka tindi tulad ng dati. Nasabi ko din sa kanya ang lahat at yun na din ang paghihiwalay namin na dalawa. Pinag seselosan nya kasi si Imee at ayaw nya bumalik ako kay Imee. Hindi kami ni Imee pero nakakasama ko lang sya pag sya na ang mag babantay kay Mom sa hospital.
Nag punta kami ni Imee sa isang restaurant na dati na namin pinupuntahan at binigyan nya ako ng bulaklak at singsing. Hindi ko tinanggap ang singsing dahil di pa talaga ako handang makipag commit ng seryoso kahit na kanino.
Habang nag mamahal kasi ako ng totoo ay sya ding niloloko ako at pinag papalit sa iba. Ilang beses na ako niloko ni Imee kaya natatakot din akong pumasok uli sa seryosong relasyon. Kung ano ang nangyari sa aming dalawa nong gabi na makasama kami ay isang pag kakamali lang.
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.