Puzzle Ring

227 1 0
                                    

Chapter 25

Sa pagiging masigasig nyang manuyo ay nag ka balikan kami kasi mahal ko pa sya at pinatawad ko sya sa mga kasalanan na ginawa nya sa akin pero hindi na ganon ka tindi ang pagmamahal ko sa kanya. Kinuha ko ang lahat ng password nya sa facebook pati na din sa yahoo messenger ng malaman ko na di na talaga sya nakikipag communicate sa mga babae nya.

Maayos naman kami at ako palagi ang nasusunod sa amin. Mahirap ibalik yung tiwala pag nasira na pero tinanggap ko sya di para gantihan kundi mahal ko pa sya talaga. Nandoon pa rin yung kilig moments na hindi sya tumitigil hanggat hindi nya ako pinapangiti.

Nakakapag puyat sya para lang mag usap kaming dalawa at sobra sobra anng binibigay nyang effort ngayon. Masaya ako kapag nag kakaroon sya ng time sa akin kahit alam ko na busy sya sa trabaho nya. 

Nag karoon ng emergncy at kailangan ko umuwi ng Pilipinas. Hindi maganda ang lagay ng Mom ko at kailangan nya ako. Hindi ko natapos ang 2 yrs ko sa work. Umuwi ako at pinaalam ko naman sa kanya.Pumayag syang umuwi ako dahil nakikita nya ang stress ko sa pag aalala sa pamilya ko. 

Noong nakauwi ako ng Pilipinas ay nagulat ako dahil nasa hospital si Imee. Hindi ko sya gusto makita pero malapit sya sa pamilya ko at sya ang nag aalaga kay Mom. Alam naman ni mahal na nag kita kami ni Imee at medyo nag seselos sya dito. Gusto ni Dad na mag ka bati kami ni Imee pero para sa akin kung ano yung nakaraan namin ay wala na yun sa akin.

Naginng bukas ako kay Imee at na kwento ko ang relasyon namin ni mahal. Masaya sya dahil naka move on na ako ng tuluyan sa kanya pero malungkot sya na sana hindi nya sinayang ang 7 years namin. Gusto nya na manatili kaming mag kaibigan at gusto pa rin nyang mapalapit sa pamilya ko.

The Book Of Lesbian Presents: Puzzled RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon