Chapter 23
Noong nakarating na sya sa kanila ay nag usap kami agad sa skype at nag kumustahan kung ok lang ang biyahe nya at kung ano ang pakiramdam nya. Na miss ko sya kaagad pero ganon talaga kailangan muna lumayo ang isat isa.
Sya din ang dahilan kung bakit nag pursige akong mag abroad na. Nag punta ako ng ibang bansa pagkalipas ng ilang buwan. Mahirap ang LDR dahil magkaiba ang oras namin na dalawa di tulad noong nasa Pilipinas pa ako anytime na pwede nya ako makausap ay lagi akong available.
May mga nakilala ako online pero hindi pa rin naman nawawala ang communication namin na dalawa. May lamat man ang tiwala ko sa kanya pero na prove pa rin naman nya sa akin na karapat dapat pa rin maging maayos ang relasyon namin na dalawa.
Dumating yung panahon na puro pag dududa na lang at iba na din ang pakiramdam ko at madalas na din kami mag away na dalawa.
Pagkalipas ng isang taon umuwi sya ng Pilipinas pero nakipag hiwalay muna sya sa akin. Ang sakit sakit non na kung kailangan nasa ibang bansa din ako doon naman uli sya uuwi ng Pilipinas.
HIndi ko alam kung ano ang ginagawa nya doon o sino ang katagpo nya. Ang daming pumapasok sa isip ko na bakit sya nandoon kung wala naman ako doon para makasama sya. Sino ang sumundo sa kanya? Sino ang mga kasama nya? Ano ang dahilan kung bakit sya nakipag hiwalay muna sa akin bago sya umuwi? Nag kabalikan ba sila ng Ex nya? Mahal pa ba nya ako? Mga tanong na pilit ko pinapasagot sa kanya pero wala syang mabigay na magandang rason.
![](https://img.wattpad.com/cover/15108207-288-k93855.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book Of Lesbian Presents: Puzzled Ring
RomanceIsang ordinaryong tao lang si Jadine. Naranasan nyang umibig at masaktan. Mali bang pag mamahal ang napili nya o sa maling tao lang sya napunta. Tuklasin kung paano umikot ang mundo nya sa mundo ng mga lesbian. Based on a true story.