TWO

133K 4.2K 1.1K
                                    

The prominence of socialization never sat comfortable to me until an instigation from nature forces the action. May mga bagay na kailangan gawin kahit labag sa loob. May it be from fear or coercion. You have done a pretty good job at that, Aleah. So a simple smile won't hurt the morals that you have tried to upkeep but has damaged, anyway. At least, when under duress.

Inangat ko nang kaunti ang black ballcap at sinilip ang bumati sa akin. In my other arm are the bag of groceries. Kakagaling ko lang sa mall at namili ng mga gamit. The other items are to be bought downtown.

"Uy, Miss Beautiful! Mukhang mabigat iyang mga dala mo. Tulungan mo nga, Lon! Nakatunganga ka na naman diyan."

Sumilip ang mukha ni Aling Minda sa maliit na bintana ng tindahan. Lumusot ang braso niya roon at kinalabit ang binatilyo sa labas. He's out of himself staring down at the concrete, tila binibilang ang nakapila na mga langgam.

"Okay lang po..." I uttered in my monotone.

Dama ko ang napipilitan kong labi. It felt tired for me so the smile I exerted must have looked like a grimace.

Ngunit parang hindi ako nito narinig nang pinilit pa niya ang lalake na tulungan ako. I assume it's her son. Nagkamot siya ng batok pagkatapos batukan ng nanay niya.

"Pagkatamad tamad talaga neto. Ang lapit lang ng eskwelahan nagawa mo pang ma-late!"

"Eh late nga akong natulog kagabi, Nay!"

"Dahil sa kaka computer mo! Haay, ipapa-demolish ko na talaga ang internet café na iyan."

Buntong hiningang tumayo ang lalake at kita ko agad ang tangkad nito.

"Susuportaan ko po kayo diyan kung ibibili niyo po ako ng computer."

Ngumisi siya at mabilis lumayo nang inabot muli ng hampas ng ina. His laugh doubled when Aling Minda failed to hit him.

I lost the supremacy of my numb heart with the rush of warmth in my cold chest. namalayan ko ang sariling nakangiti sa pagsuyo ng pangangalay sa bibig ko.

Mabilis ko iyong binagsak sa paglapit ng binatilyo. I never smiled again when he suddenly offered his genial one.

Marahan akong nagyuko, ayaw ipakita ang buo kong mukha.

"Ate, ako na po magdadala ng iba," he offered.

Hindi na sana ako papayag ngunit wala akong makapa na pagtanggi nang makuha na niya ang dalawa sa aking dala. He carried the heavy ones and left the plastic to me with only a freshmilk on it.

"Thanks..." My weak voice says it all. I'm still unattuned to the flow of social interaction.

"Oy! May mga juice ka palang binili. Sa ref na lang namin ilalagay 'to. Walang bayad, pramis."

Hindi nabigyang-diin ang pagtango ko. I know he means well with his offer so I shouldn't be overthinking about the intention. He doesn't seem to be a threat of my safety either.

Kaya kung may balak siyang nakawin ang pagkain ko, that won't be much of my priority.

Pero habang buhay na ba talaga akong magdududa sa paligid? I was raised that way so trusting would take a lot of getting used to.

"Student rin kayo, Ate?"

Umiling ako at pinauna niya sa hagdan. One touch of the weak wooden handrail is a flashback of our golden one. Pinilig ko ang aking ulo at agad inalis ang kamay ko roon. I dug for my keys in the sling bag.

"Tapos na akong mag-aral," I lied.

"Nagwo-work na po? Saan?"

"Maghahanap pa."

OBSIDIAN ISSUE #1: PUSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon