TWENTY SEVEN

74.8K 2.3K 1.5K
                                    

Nagtagal ako ng ilang minuto sa taas bago nagrebelde mula sa pagbabawal ng aking pangamba. I almost couldn't make it down the stairs. Lalo na't naroon din si Levi at nagkakasiyahan na.

I'd be a hypocrite to judge him more so with the predicament I am in, and the things I've done. Pero una pa lang ay hindi na ako kumportable sa kanya. Maybe if I were only innocent, we could have gotten along pretty well. Pero may mga posibilidad na hanggang pagbabakasakali na lang talaga.

Wala sa Azriel pagbaba ko, siguro nasa kitchen at inasikaso ang cake. Parang kulubot na dinaanan ng plantsa ang katahimikan nang ako'y bumaba sa hagdan. Hindi binigo ang pakiramdam ko ng mga mata nina Kit at Levi sa akin. Oh, so much for these two...their man hearts are united against someone who belongs to their hostility list.

Kaya imbes na puntahan si Azriel sa kitchen ay sa pool deck ako tumungo. Binubuksan ko ang sliding door at doon ko pa narinig ang panunumbalik ng usaping lalake ng dalawa.

"Nakakulong ka pa rin..." pang-asar ko sa ibon.

I find it funny, somehow. Hindi nagpaawat ang pait sa aking ngiti habang binubuksan ang cage. I gently stroke Derora's head. Dahil sa gabi na ay pumipikit pikit na ito at tulog.

Up to this day, I still couldn't identify the bird's gender. But Maddox was convinced that it's a girl. Habang pinipilit ko namang lalake dahil sa instinct ko at sa kulay nito na berde. Though I know we shouldn't stereotype animals basing from their colors.

Ingay mula sa loob ang kumalabit sa aking pagkukunot noo. I heard Atticus' taunting laugh then Azriel's booming baritone. His cussing chased his last words. Sumunod ang sigaw ni Maddox sa daddy niya at mas malakas na halakhak ni Atticus.


Sinara ko ang cage at umalis na upang alamin ang nangyayari. The loud snap of the sliding door made me hurry my steps. Mukha kasing galit ang gumamit sa pinto, e.

"Aleah!"

Hindi ko alam kung malapit lang si Azriel habang tinatawag ako o sadyang kulog lang talaga ang boses niya. Papaliko pa ako galing sa gilid ng deck ay sumalubong siya at agad natuldukan ang hakbang. His shoes screeched against the concrete as he does so. Halos magbunggo kami kung hindi lang ako umatras at siya ay natitigilan.

He looked stunned when he saw me, as if ice coated him. Ang matamlay na alon mula sa pool ay naiilawan ng poste at naglilikha ng anino sa kalahati ng mukha niya. Tila ba mukha niya ang ginawang sayawan ng mga anino.

"Bakit? Anong meron sa loob?"

Sumilip ako sa loob. Tumatawid si Maddox galing sala at pinuntahan yata ang Tito niya sa dining.

Azriel offered nothing but several blinks of midnight. Hinintay ko siyang sundan ang pananahimik ngunit sa pagtatagal nito ay parang dumaan ang banta kaya hindi ko na napigilan.

"Azriel?" I stepped closer with caution, like a finger scared to touch an open flame.

Nagpakagat sa pandinig ko ang hila niya ng hangin, para bang inaalalayan niya ng buhay ang kanyang panaginip upang magising sa kasalukuyan. His brows quickly dived deep to cover up his previous actions. Parang ginasgasan ang puso ko nang umatras siya, kalahating hakbang.

"Nothing..." He hesitated, then points his thumb faintly at the back. "Akala ko umalis ka na naman na walang paalam."

Pinili kong sumakay sa reaksyon niya imbes na maglakad sa kanyang sinabi. Even his baritone seems off. He almost couldn't look at me straight in the eye. Why?

"Ah...sige. Tara sa loob?" maang-maangan ko. May naisip ako pero hindi ako sigurado.

I wasn't sure if he wants to get inside. His face told me that questions have been knocking hard in his mind, causing the crease between his thick brows to sink deeper.

OBSIDIAN ISSUE #1: PUSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon