EIGHT

89.2K 3.1K 1.2K
                                    


My lungs are burning. Gusto kong dumilat ngunit takot akong makita ang lalim at matunghayan na hindi na ako makakaahon. My mind is racing with choices and it's putting my body sensations beneath the thought of survival. I moved my feet to search for a solid ground and propel myself up back to existence. 

Ang agos ng dugo sa aking tenga ay nakakabingi. I could feel my ribcage's about to break due to the pressure. Nagsimula nang mamanhid ang aking mga braso at binti. Little by little they started to lose their faith in me until I couldn' t lord over them anymore.  

"If you want to live then you only have to fight. Igalaw mo ang mga kamay mo!"

Kahit nasa ilalim ng tubig ay hindi ito hadlang upang hindi tumagos ang kulog na sigaw ni daddy. Umiling ako. I was helpless. Sinubukan ko ang sinabi niya ngunit hindi ako umaangat. Lalo akong nalulunod. Ang luha ko ay sumasanib sa lumulunod sa akin. Habang ang lakas ko'y sa kahinaan ng pag-asa ko kumakampi.

Dumilat ako. My concerned mother was trying to reach her hand on the water. Inangat ko ang aking braso para maabot siya.  But my father pushed her aside to claim his throne as the one to decide. He bent his other knee while the other's on the ground. Galit niyang hinampas ang pool side.

"There are more ways to die than drowning, kid!  Ang hayaan ang sarili mong makitil ng pagkalunod ay ang magtatakwil sa akin sa 'yo! Swim your weak ass back here!" 

Mariin akong pumikit. His ruthless motivation fueled me. Hinawakan ko ang malabakal na nakapulupot sa aking tiyan upang sana'y alisin. Humigpit lang iyon lalo, mas marahas ang pagpupumiglas ko sa kulungan na iyon hanggang sa namalayan ko na lang ang aking paghinga. 

I loudly pulled air into my lungs. Malupit na pinadaan ang kamay sa mukha saka nakuhang dumilat. I was breathing so hard as I reach for the grab rail.

Azriel's arm loosened a bit around my waist yet not determined enough to let me go. Wala na siyang rason upang gawin iyon kaya dapat binibitwan na niya ako! Dumapo ang tingin ko sa isang kamay niyang kumapit rin sa rail sa ibabaw ng aking kamay. A part of his wrist touched a skin of my fingers. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan.

Iginigiit kong iritasyon lamang ang dahilan ng kaba ko. Mabilis  ko siyang nilingon at natanto na sobrang lapit niya sa akin na kailangan pa niyang ilayo ang kanyang  ulo upang iwasang matamaan ang mukha ko.

Two shots of midnight dimmed my shine causing me to glare at him.

His lips parted slightly and looking a bit weak and confused, ginawa ko iyong  pagkakataon. Hinawi ko ang braso niya sa aking baywang at agad tinulak ang sarili paakyat. The loud splashes I created sounded like a wail of pain as I kicked the water on my way up.  

Hiyang-hiya ako. Siya ang gusto kong pagbintangan. At dahil hindi iyon ang dapat ay dahilan ito upang ayaw ko siyang harapin ngunit ginawa ko pa rin.

Papaahon pa lang siya. His wet white sando is trying to blend in into his soft honey skin kaya bakat na bakat ang kung ano mang nakakapuri sa kanyang katawan. His tight grip on the rail made the veins in his forearms stood out like sundry narrow rivers flowing along a foreign vast land. The fine dark hairs in his arms strengthen his virility and fatherhood.

Umatras ako nang nakaakyat na siya. Naturally, the water from his body are dripping on the slated concrete. Pinisil niya ang kanyang ilong kaya namula at pababang pinadaan ang kamay sa mukha. Mas umitim pa ang basa niyang buhok na nag-flat sa ulo niya. Kinusot niya iyon kaya gumulo at nanayo.

I wasn't prepared on my statement ngunit pinapanindigan ko ang dahilan ng aking kaba. I am thankful of his towering height for I have a reason to look up and divert my attention on his face instead of his body. Like that it could help. I just hate distractions while I am thinking of what to say!

OBSIDIAN ISSUE #1: PUSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon