NINE

96.2K 3.2K 905
                                    

The squish of mud wailed loudly under the steps of my unsparing white shoes. Gaano man mapanatiling tahimik ay pumupuslit pa rin ang ingay sa bawat hakbang ko. The sly sound of drizzle was the anthem of dusk. Yet the wet drops failed to escape when got caught by my pearly skin.

Dinungaw ko ang mga patak sa aking balat.

"How easy it is to learn the silence, yet hard to remain soundless..." I muttered to myself, bago pahirin ang patak at nagpatuloy. 

The fortress of gray carried on its dominance even after the rain. The cold air was the clothe in my body, while the fire was the heartbeat in my chest. Tumigil ako sa tapat ng lumang kubo. Sa kabila ng mga nagdaang dekada ay nanatili itong matatag sapat upang hindi matibag ng simpleng tabig ng hangin. 

I held the key and unlocked the chain entangling around the wooden door.  Nahagip ko ang ibaba at natanto na kahit sa loob ay walang konkreto at marahil napupuno rin ng putik. Tila danak ng dugo ang ingay sa paghila ko sa kadena at binagsak sa putik. Isang tadyak ay nabuksan ko ang pinto. 

Agap ang singhap ng babae sa loob nang ako'y pumasok.

"Shh..."

The door made a long lazy creak as I slowly pushed it to a close. Binuhay ko ang ilaw sa flashlight. Truly, the ground here is murky at ilang hibla ng damo lang ang nagkalat. Galing sa putik ay nilihis ko ang ilaw sa mukha ng babaeng nakatali sa sulok. Hazel eyes already dilated in fear. 

"Hi..." I stepped forward. Her eyes turned vigilant following my sneaky move.

Even the most quiet sound can be heard so loud with the defeaning stillness. Kaunting galaw ay hiwa na sa payapa. Nanatili ang tingin ko sa kanya nang nilapag ang dalang pagkain sa tabi niya.

" Eat. You will be needing a lot of energy."  

Kinulong ko siya sa aking anino habang nakatayo sa kanyang harapan. Muli kong tinapat ang ilaw sa mukha niya pababa sa katawan. I see Caucasian skin dotted with freckles along her collar bones. The shade of ash from her hair enlightened her porcelain complexion. Or maybe it was from the light. She's a beauty, with almond eyes and long lashes. The two days worth of dirt in her skin didn't wound a bit of her pretty face. 

"You want to feed me to the angels with a full stomache, huh?"  subok niyang tuya sinundan ng mahinang tawa.

She's unfed for two days. Dinig ko ang takot sa kabila ng tapang niya. I know it myself as I do it all the time. But more so, her accent is a glass of whiskey sipped by my curiosity.

"Angels? Is that your new term for worms?" I sneered. "At gaano ka kasigurado na makakain ka ng mga anghel kung kaluluwa ka na?"

Pinagsikapan kong hindi bumigay sa kahinaan. Matigas ang tingin ko't pinanatili sa kanyang mukha habang sapo niya ang kanyang tiyan. I twisted my lips to the side when I saw her winced in pain. 

"Gaano pa ba katagal?" Humihingal siya at sinandal ang ulo sa pader. Nakatingala sa akin, hinang-hina at sumisinghot sa pigil na hikbi. "Shoot me already, please."

Her feathery plead lacked conviction. 

Ano mang subok niyang hindi magmakaawa ay tumakas pa rin ang totoong saloobin. Nakikita kong ayaw niyang mangyari iyon. No. Not when...

"If my father wants you dead, I am not the person he would ask to come here. I came without an order from anyone. Kumain ka na," mahinahon kong sabi, yet the intented calm turned out cold.

She fused her brows together to show her displeasure. Nanghihina, binaba niya ang tingin sa nilapag kong pagkain at inumin. For a long while, she didn't touch the food. Tinitigan niya lang, at tila walang balak galawin iyon. Inasahan kong lalantakan niya agad ang pagkain dahil sa gutom. Ngunit habang tumatagal ay natanto ko kung bakit. 

OBSIDIAN ISSUE #1: PUSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon